Kabanata 34

6 1 0
                                    





It's been 4 months simula noong napunta kami rito sa NY. Pinag tuunan ko nang pansin ang recovery ni Mama at ang pagpapalago sa business ko na hindi naman ako binigo. Sa loob ng apat na buwan ay mas bumuti ang kalagayan ni Mama.. ngayon ay wala na siya sa ospital pero she have to be weekly checked at bantay din ang mga gamot niya. Hindi pa siya nakakalakad pero kaya naman nkiya pero pinagbawalan muna namin dahil nga medyo matigas ang ulo niya at baka matumba siya na pwede mag caused nanaman ng head injury sa kaniya kaya ingat na ingat kami. Sa business ko naman ay nakakagulat man pero sa loob lang ng apat na buwan ay mabilis iyong lumago at nakilala rito dahil na rin sa tulong ni Tita Amalia, marami siyang kakilalang mga malalaking tao rito na nirekomenda niya ang mga damit ko at nagustuhan naman nila ito.

Madalas din kaming dalawin nila Papa rito at katulad ko lahat kami ay masayang-masaya dahil sa mabilis na pag galing ni Mama..

Today is family day kaya napag isipan namin ni Aly na magluto para sa aming lahat. Mamaya din kasi ay dadating sila Papa upamng dalawin kami dito. Sila Mama naman ay tulog pa kaya malaya kami ni Aly na dumihan ang buong kusina.. charot. Hahahaha.

"Ate tikman mo nga ito baka mamaya walang lasa.." tawag sa akin ni Aly, natatawang lumapit naman ako.

Tinikman ko ang niluto niyang carbonara. "Okay naman ah, masarap."

"Sure ka?"

Humalakhak ako. "Oo nga."

Bumalik ako sa sink at pinagpatuloy ang paghuhugas sa mga ginamit namin. Okay na rikn laaht yung niluto nalang talaga ang kulang.

"Ate may tanong ako.." tanong nito pagkatapos niyang ilagay ang niluto niya sa lamesa.

Kumunot ang noo ko. "Ano nanaman? Kung ano ang mas nauna, itlog o manok?" Sabi ko at natawa.

Humalakhak siya at umiling. "Hindi, ah! Serious na.."

Nagpunas ako ng kamay at sumandal sa counter at tinignan siya. "Ano nga?"

"May balita ka pa ba sa ex mo?"Seryoso niyang tanong.

"Sino dun?" Ani ko at humalakhak pero ang totoo'y kinakabahan.

"Si Kuya Trevor, siya lang naman kilala ko eh." Inosente niyang sabi.

Alam ko na siya ang tinutukoy niya pero nagulat pa rin ako at hindi agad nagawang makapag salita.. apat na buwan na ang nakalipas, kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila?

Umismid ako. "Ano ka ba.. past is past." Pinilit kong tumawa.

Ngumiwi siya. "You deactivated your social medias right?"

Tumango ako. "That's why..."

Ako naman ang nagtaka... may nangyari ba?

"Bakit? Ano bang nangyare?" Seryoso kong tanong.

Kumunot ang noo ni Aly at maya-maya'y tinawanan ako. "Akala ko ba past is past?" She mimicked me.

I rolled my eyes. "Oo nga."

Masama bang magtanong? Syempre kahit papaano concern pa rin naman ako kahit niloko niya ako..

"Gusto mo talagang malaman?" Naningkit ang kaniyang mata.

Umismid ako. "Hindi ako interesado."

Aalis na sana ako pero nag salita pa ulit siya. "I heard Kuya Trev already proposed sa bruhang Margaux na yun.." Deretsong sabi niya na kinalingon ko na nakakunot ang noo.

Hindi ako nagsalita at naupo. He proposed? Whoah.. I wasn't expecting that. Alam kong may anak sila, kaya nga kami naghiwalay eh.. But I didn't know he had plans to marry Margaux.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon