Kabanata 33

4 1 0
                                    





We arrived safely at New York. Sasakyan na pag-aari nila Papa ang sumundo sa amin. And si Mama naman dinala na agad sa ospital na pinag lipatan sa kaniya. She have to be immediately check eh. Sinamahan naman siya ni Lola. Kaming dalawa lang ni Aly ang dederetso sa bahay nila dito sa NY. Kakaiba ang hangin dito.. parang mas panatag. Siguro dahil malayo na ako.

Parehas kaming walang imik ni Aly sa sasakyan hanggang sa makarating sa bahay nila. Dahil na rin siguro sa jetlag. Malaki din ang bahay nila roon. 2 storey house yun.. white ang kulay ng exterior ng bahay at white and black naman sa interior. Sabi ni Aly dahil malapit daw sa kulay na yun ang Mommy at Daddy namin. Approved din naman sa amin dahil ang neat din tignan.

May three bedrooms ang bahay. Lahat nasa second floor. Kompleto din sa gamit ang bahay.. sabi ni Aly may caretaker daw ito kaya kahit ilang taon na silang hindi nakakapunta rito ay hindi napapabayaan ang bahay.

"Ate.. deretso na ako sa kwarto ha? Sakit ng ulo ko." Nakangiwing sabi ni Aly.

Tumango at ngumiti lang ako sa kaniya at binalik ang tingin sa buong bahay. Binaba ko ang bag ko sa sofa at nagtungo sa mga picture frame na nakapatong.

Naroon ang mga baby pics ni Aly.. at a-ako? Bakit ako nandito? Dinampot ko yun at tinitigan. Napangiti ako nang maisip na hindi naman talaga ako nakalimutan ni Papa. Naroon din ang mga graduation pictures pamula Elementary hanggang College. Siguro nakuha niya 'to sa facebook ni Lola.. mahilig kasi yun mag status. Haha.

Natawa ako nang makita ang family picture nilang tatlo na naka dikit ang mukha ko sa gitna at may pangalan pa sa taas na "Anisse".

Sumunod kong tinignan ang kusina at iba pang parte ng bahay bago mag tungo sa kwarto ni Lola at ayusin ang mga gamit niya. Sinunod ko ang magiging kwarto ni Mama pag na discharge na siya sa ospital.. hindi puwedeng marumi ang kwarto niya kaya kahit mukhang malinis naman iyun at nilinis kong muli. Pinili kong dun nalang siya sa kwarto na may sariling CR para hindi na siya mahihirapan na bumaba in case. Pagkatapos ko roon ay huli kong pinuntahan ang kwarto namin ni Aly.. patay ang ilaw at bukas ang aircon syempre at natutulog na si Aly kaya nagdahan-dahan ako.

Malawak ang kwarto. Gray ang kulay nang buong kwarto kaya natuwa ako. May TV, sofa at walk in closet. Siguro kay Aly na kwarto ito. Nakita kong nandun pa ang mga damit ni Aly sa maleta niya kaya inayos ko na rin yun kasabay nang akin para less gawain na sa kaniya. Hindi ko naman pinakielamanan ang mga personal at importante sa kaniya kaya kampante ako.

Pagkatapos kong mag ayos ng mga gamit ay nagtungo ako sa cr upang maligo. Malawak din ang CR.. May bath tub pa, sosyal talaga. Haha. Naligo ako.

Pagkatapos ko maligo ay kinalikot ko ang aking laptop.. I deactivated all my social media accs. Panigurado kasi na kokontakin ako nila Rae. Hindi naman sa ayokong kontakin nila ako.. gusto ko lang muna huminga sa buhay ko sa Pilipinas but it doesn't mean that I will cut them off.. No, never. For sure din kasi palagi silang magtatanong sa akin tungkol kay Trev.. and knowing them lagi nila akong iu-update tungkol dun sa dalawa kaya mas okay na mag deact ako, para hindi ko na makita at mas mapadali ang pag momove on ko.

Hindi pa naman ako inaantok kaya napag pasyahan kong magluto muna. Lola also texted me na siya na muna sa ospital dahil nalilibang naman daw siya dahil yung isa pala daw dun na doctor ay close friend niya nung college siya. Si Lola talaga. Hahahaha.

I decided to cook sinigang. While cooking someone catch my attention kaya napatingin ako roon..

"Kapatid ka ni Aly?" Nakangiting tanong sa akin ng isang Ginang. She look like she's at 50's.

I wipe my hands and slowly nod. Lumapit siya sa counter.

"Kamukha mo pala talaga si Sir.. ang gandang lahi." Natatawang sabi niya kaya natawa rin ako.

"Dito po ba kayo nakatira?" Tanong ko naman.

Umiling siya. "Dun kami sa katabi nitong maliit na bahay."

Tumango-tango ako. "Narinig ko ang tungkol kay Anne.. kamusta na siya?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Lola.. or Ate?

"Hindi po okay ngayon eh. She have to undergo many tests." Malungkot kong sabi.

Umiling-iling siya. "Sana lang ay mapabilis na ang pag galing niya."

Ngumiti ako. "Sana nga po. Dasal ko rin po iyan."

Ngumiti siya. "E ano bang pangalan mo iha?"

"Anisse po." Pagpapakilala ko.

"Aly. Anisse. Bagay talaga kayong magkapatid.." Nakangiting sabi nito.

"Kayo po? Ano pong pangalan niyo?"

"Manang Tere ang tawag nila sa akin rito."

Nakarinig kami ng yabag papuntang kusina.

"Aba.. nagchichikahan na pala kayo rito ha." Nakatawang sabi ni Aly habang kumukuha ng tubig.

"Oo nga, anak.. mukhang mabait rin itong kapatid mo." Komento ni Manang.

Inakbayan ako ni Aly. "Syempre naman manang.. sa kaniya ako mana nang kabaitan eh." Kumindat pa ito kaya nagtawanan kaming dalawa.

Tumawa si Manang. Tinapos ko na ang aking niluluto at hinain yun para kumain kami. Sinabay na rin namin si Manang para naman tatlo kami sa lamesa.

"E ano bang plano niya? Ang balita ko gradweyt na kayo ng kolehiyo diba?" Tanong ni Manang.

Tumango kaming parehas ni Aly. "Opo. I'm a business ad graduate." Sagot ko.

"Hala, weh? Ako rin!" Hindi makapaniwalang untag ni Aly.

Napatawa ako. "Seryoso ka? Same course lang pala tayo pero hindi tayo nagtagpo kahit isang beses sa building natin!" Natatawa kong sabi kaya nagtawanan kaming tatlo.

"Nakakatuwa kayong panoorin.." ani ni Manang at ngumiti sa amin.

"Halata sa inyo na pareho kayong sabik sa kapatid.." dagdag niya.

Humalakhak kami ni Aly. "Sobra po." Sabi niya.

Nagpatuloy ang aming pagkain. Napag usapan namin ang mga plano namin since matatagalan bago kami bumalik o kung babalik pa ba kami.

Aly said na inutusan siya ni Papa na imanage yung hotel branch nila na nandito sa NY. Maliit pa raw iyun kumpara sa nasa Pilipinas. Ako naman ay ipagpapatuloy ang nasimulan kong business nung college ako. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Papa at Tita Amalia dahil they provide lahat din ng kailangan ko para sa business na ito. Inalok din ako ni Daddy na dalawa kami ni Aly na mag manage nung hotel pero I refuse muna kasi gusto ko magsimula ng akin para din maibalik ko kahit man lang yung ginastos nila kay Mama.. nahihiya din naman ako kahit they insisted at pamilya ko sila.

After eating, nagpaalam si Aly na lalabas muna para puntahan yung business nila. Umalis na rin si Manang dahil kailangan niya pa raw bantayan ang mga apo niya. Napagpasyahan ko naman na matulog nalang dahil nag iisa naman ako ngayon dito. Pero siguro nakakailang ikot na ako rito sa kama ay hindi pa rin ako dinadapuan ng antok.

Sa pagtulog ito ang part na pinaka ayaw ko, yung hindi ka kaagad makakatulog tapos mag iisip ka nang mag iisip hanggang sa sinasaktan mo nanaman ang sarili mo. Kung ano-ano nanamang bagay ang pumapasok at gumugulo sa isip mo. Na hindi mo naman pwedeng takasan dahil nagkukusa ito... hindi ba pwedeng matulog muna ako nang mahimbing bago ko problemahin ang mga problema ko?

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon