"Oh my! Buksan na yan! Paki-diligan na 'ko!"Ang gulat ko kay Rain na biglang humiyaw at malanding umupo sa tabi ko. Nakapalibot kami sa bonfire.
I frowned. "Hoy bunganga mo! Nandito mga parents natin, padilig ka diyan.."
"As if naman alam nila yung hidden meaning ng padilig 'no!" She said and rolled her eyes.
"Mga natututunan mo kay Hopie.." iiling-iling na sabi ko.
Tumawa siya at tinuro si Hopie. "Oo nga, kasalanan mo 'to nagiging madumi na rin yung utak ko!"
Hopie smirked. "Ako lang 'to."
Ngumiwi ako. "Tsk. Bad! Gayahin niyo 'ko. Super bait."
They both rolled their eyes. "Ulul. Sa sobrang bait pwede na lumagpas sa langit."
Rain said at tumawa naman kaming tatlo. Sakto kakarating lang nung dalawang bagong gising.. si Claudine parang labag pa sa loob yung pag baba niya dito pero si Rae smiling from ear to ear. Minsan weird yung mga kaibigan ko, sobrang dalang lang nila maging normal. Napansin kong wala pa sila Trev kaya tinext ko siya.
To: pinaka pogi kong boyfriend
Hey. Saan na kayo? We're here na sa baba.. come down na nag set ng bonfire.
I smiled upon sending the text.
Siniko ako ni Rain kaya tinignan ko siya. "What?"
"Ang landi mo nanaman." Mataray niyang sabi.
Umawang ang bibig ko at natawa. "Hindi kita inaano, letche ka."
Tumawa din naman siya at inabala nalang ang sarili sa pagtutusok ng kung ano-anong iihawin mamaya.
Nagreply si Trev.
From: pinaka pogi kong boyfriend
omw love, i love you
Para nanaman akong nangisay ng mabasa ko message niya pero kunwari lang yon, aasarin ko lang si Rain. At asar na asar siya kasi sinabunutan niya 'ko. Haha.
I type my reply.
To: pinaka pogi kong boyfriend
ingat, thank you
Bulaslas ako ng tawa pag ka send ko. Pustahan, galit na yan mamaya dito pag baba. Ikaw ba naman sinabihan mo nang I love you tapos ang reply sayo "thank you" kung hindi ka ba naman asshole. Pero biro lang 'yon.
"Asan na yung iba?" Tita Tess asked kasi kulang-kulang pa kami. Inikot ko naman ang mata ko at namataan kong papunta na sila Mama kaya nag smile ako kay Tita.
"Nandiyan na po sila, Ta." I said. She nodded and continued on what she's doing.
"Wow bonfire! Nice!" Masayang sabi ni Ate Olive pagka upo niya. She handed me her camera kasi careless daw siya, malugod ko namang kinuha yon.
Lumingon ako kay Trev na kakaupo lang sa tabi ko.
"Hey.." bati ko.
Bumuntong hininga siya. "Hey.."
Ramdam kong kumunot ang noo ko. "Problem?"
"Wala." Malamig niyang sabi.
Lalo tuloy ako nagtaka. May nagawa ba ako? Hala!!!!
"Why are you laughing?" Iritado niyang tanong sakin.
Narealize ko kasi na dahil yun sa reply ko kaninang "thank you." Hahahahaha!