After my birthday all things in my life went well. Naging parang back to normal ang lahat.. unti-unti nagiging okay si Mama. Nag bobonding na kami ni Aly and also Papa and Tita Amalia. Okay kami ni Trev and my friends din. Sobrang happy lang. And then, it's disperas of the Christmas when..When Mama had her seizures again. I was so afraid. I was so scared. Hirap na hirap si Mama.. Hindi ko na nga ininda lahat ng kalmot na nabibigay niya sakin kapag nakakapit siya sakin. Iyak kami ng iyak ni Lola. It was christmas ng malaman namin na hindi pala talaga bumubuti si Mama.. her case is getting worse.
"Anisse.. I have to be honest with you.." Doktora said habang nakatingin kaming dalawa kay Mama na kakatapos lang mag undergo ng mga test. It's 3:50 AM, December 25..
"You Mom needs to be in abroad."
Napasinghap ako. "W-what?? Why, Doc? Bakit a-abroad?" Sunod-sunod kong tanong.
Hinawakan ako ni Doktora at naupo kami. She hold my hands.
"Hindi na kaya ng ospital ang kalagayan niya. Maaagapan pa siya kung dadalin niyo siya abroad.. duon kumpleto ang equipment and everything.." Paliwanag ni Doc.
I started to cry. Why abroad?!
"Iha.. you need to be strong for your Mama. I already talk to your Lola and you Dad.. they agree for your Mom. Ikaw nalang iha.. pag-isipan mo ito." Huling mga salita ni Doc bago ako iwan.
Natulala at patuloy akong umiiyak habang nakatingin kay Mama. Naging mainitan na din ang ulo ni Mama simula nung inaatake siya ng seizures. Kaya lalong nahirapan kami.. minsan namimili pa siya ng mag babantay sa kaniya.
Why should I do? Marami akong maiiwan pag nag abroad ako.. Ayoko rin namang pabayaan si Mama. That will never happen.
My phone rings.
It's Rae.
I cleared my throat. "Hello.."
May naririnig akong nagtatalo. "Where are you? You need to be here." Parang pagod na pagod ang boses niya kaya nag-alala ako.
"What? What happened, Rae?" Nag-aalalang tanong ko.
Rae sighed. "We need to tell you something."
Then she hangs up. What is it this time? May problema nanaman ba? Hindi pa nga ako tapos sa isa.. another one nanaman. Pasko na oh.. wala bang patawad.
I sighed at inayos ang sarili. Pinuntahan ko si Mama at hinaplos ang kaniyang mukha.
"Alis lang ako saglit, Ma ah.. Babalik ako. Hintayin mo 'ko. Mahal na mahal kita.." Marahan kong sabi at pinatakan ang ulo niya ng halik.
Nag punta ako sa nurse ward para pakisuyuan na bantayan muna si Mama dahil aalis ako. Nasa bahay naman si Lola at kasama niya sila Tita Anj. I don't know where Trevor is.. this part few days palagi siyang umaalis and he doesn't text me like he used to.
I immediately go to Rae placed. Kinakabahan ako for something and I can't figure it out.
Kumatok ako sa condo ni Rae. It takes 4 knocks before she opened. Nakita kong nakaupo silang apat sa lamesa at parang natigil sa pag tatalo.
Pumasok ako at umupo rin.
"Anong problema niyo?" Kalmado kong tanong.
No one answered. I have so many things in my mind right now kaya kung walang kwenta 'to I better go.
"Marami akong problema ngayon. Kung trip 'to aalis na ako.." Tatayo na ako but Hopie spoke.
"It's Trev." she said at automatic akong napalingon sa kaniya.