4 years later......."Ate.. Halika na! Baka maiwan na tayo ng eroplano.." Nagmamadaling sabi ni Aly kaya natawa ako.
"Wag ka ngang ano diyan.. manliligaw ko ang may-ari ng shipping line na yun kaya no worries na tayo diyan." Sabi ko at kinindatan pa siya.
She rolled her eyes ayaw na ayaw talaga nito kay James. "Sure ka na ba talaga na magpapaligaw ka dun Ate?" Nakangiwing tanong niya.
Natawa ako. "Oo naman, bakit gusto mo ba?"
Nanlaki ang mata niya. "Sino? Si James? Hell no!" Sigaw nito.
Natawa nalang ako at maya-maya'y may bumusina na kaya nagknda irap-irap nanaman ang kapatid ko.
"Speaking of the devil.." sabi nito nang bumukas ang pintuan ang niluwa noon si James.
Siniko ko si Aly at nilakhan ng mata. Umirap naman ito at nauna nang lumabas. Siraulo talaga.
Ngumiti nang pagkalaki sa akin si James bago lumapit. Humalik siya sa aking pisngi at hindi na ako naka-angal. "Let's go?" nakangiting sabi nito.
Tumango naman ako at hinayaan siyang buhatin ang mga maleta ko. He's a pilot now at oo pag aari na niya ang shipping line na sinasabi ko kanina. Ang sabi niya sa akin noon dahil sanangyari sa amin at sa tulong na rin ng magulang niya kaya nag ayos siya ng pag aaral at sinikap na ayusin at pagandahin ang buhay.
Inikot ko ang buong bahay at bumuntong hininga. Saksi ang bahay na ito sa lahat ng pinagdaanan ko makalipas ang apat na taon. At ngayong, I'm going home. I'm going back to the Philippines.
Sa loob ng apat na taon marami akong natutunan.. Hindi lang sa pagnenegosyo kundi na rin pati sa buhay. At sigurado akong baon ko ang lahat nang mga natutunan ko sa muli kong pagbabalik sa Pilipinas.
Matagal ko nang hinanda ang sarili ko sa mga posibleng bagay na pwedeng mangyari pag balik ko. Natutunan ko kasi na hindi ko ito pwedeng habang buhay takasan.. hindi ako magiging totally okay kapag iiwas lang ako ng iiwas. Kagaya nga ng sabi nila.. Let it bleed until you feel okay.
"Anisse.. let's go." tawag sa akin ni James. Ngumiti ako sa kaniya at sa huling pagkakataon ay nilingon ang buong bahay at ngumiti.
Thank you.
Sumakay na ako ng sasakyan. Natawa naman ako ng makita ang busangot na mukha ng kapatid ko. Ewan ko ba diyan bakit ayaw na ayaw niya dito kay James eh mukha anmang mabait at nagbago na talaga.. He's more mature now na kinatuwa ko.
Nauna nang umuwi ng Pilipinas sila Mama, Lola, Papa at Tita kaya kami nalang ni Aly ang sabay na uuwi. Napalago din ni Aly ang business nila dito at nagkaroon pa ng iba pang branch sa ibat't ibang bansa kaya proud na proud kami sa kaniya. Pero syempre ako rin, lumaki ag business ko. I have a big factory here in NY at yung sa Pilipinas naman ay kakatapos lang at opening ay sa susunod na linggo. All of my hardworks are now pay off.. thanks to me, my family and to Him. This will not be possible without them.
"So... what are your plans?" James spoke.
I smiled. "Business of course." I chuckled.
He smirked. "Business or unfinished business with someone?" sabi nito.
Alam ko na agad ang tinutukoy niya kaya medyo naiinis ako. He had this hobby to always bring back the past.. which I dislike.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
He laughed sarcastically. "C'mon.. I know you very well, Anisse.."
My eyes rolled. "Ano nanaman ba yan, James? Hindi ka ba nagsasawa kakadada tungkol sa past." I said almost rolling my eyes.