Kabanata 13
GAYA nga ng inaasahan ko iniintay ako ni Trevor sa labas ng gate ng school. Syempre ihahatid niya ako sa amin eh! Pag karating namin sa gate ay nakita niya siguro agad ako kaya natayo siya sa pagkakasandal sa kotse niya at lumapit samin. Sakin. Hehe emeged.
Hinampas-hampas naman ako ni Rain.. parang tanga ampota.
"Sana all.." Sabi nito. Tumawa lang sa kaniya si Trevor habang ako nahihiya na. Nagkatinginan si Trevor at Rae pero mabilis na umiwas si Rae sa kaniya at dumistansya. Ano ba talagang meron?
"Yung sinabi namin sayo Anisse ha.." Paalala sakin ni Hopie kaya napatingin ako sa kaniya..
"Ah. Oo na!" Sabi ko kaya nag apir yung dalawa, naguguluhan man si Claudine ay naki apir din siya.. si Rae naman nag cecellphone. Hayaan na nga kung ano yun.
"Una na kami. Bye." Kiniss ko sila isa-isa sa pisngi bago umalis. Inalalayan naman ako maglakad ni Trevor papunta sa sasakyan niya.
"SANA ALL!" Malakas na sigaw ni Hopie kaya tinaas ko ang braso ko at pinakyuhan siya.
Nakasakay na ako sa sasakyan at nakita ko silang ngiting-ngiti sakin kaya nag babye nalang ako ulit. Pinakyuhan naman nila.. what a good friends.
Nagseatbelt na kami parehas at pinaandar na niya sasakyan niya. Tahimik nanaman. Hays. Paano ko ngayon sasabihin sa kaniya if we could date kung hindi ako makabuo ng conversation between me and him?? The heck.
"Uh.." usal ko kaya napatingin siya sakin.
"M-may girlfriend ka na ba?" Napikit ako ng mariin pag kasabi ko non. Napapreno naman siya kaya nauntog ako.
"Putangina ang sakit.." Sabi ko habang hawak hawak ang noo ko. Nakaseatbelt na yun ah nauntog pa.. Kainaman.
"Ayos ka lang?" Tanong naman niya sakin at kinapa ang noo ko.. Para naman akong nilamit ng dumampi ang palad niya sakin kaya di ako agad nakapag react..
"O-oo.. ayusin mo kasi mag drive." Mataray kunwari na sabi ko pero sa loob-loob ko kabadong-kabado na ako.
"Sorry.. ikaw kasi nakakabigla yung tanong mo." Natatawang sabi nito sakin kaya naalala ko na tinatanong ko nga pala siya na kung may girlfriend siya napapikit ako ng mariin.
"Forg--"
"Wala." Putol niya sakin kaya napalunok ako at hindi alam kung ako ang sasabihin ko. Yayain ko ba siya mag date? E parang ang sama nun dapat siya magyaya sakin eh? Eh pero hindi na naman uso ngayon na lalaki parati ang mag fifirst move.
"Ikaw? Do you have a boyfriend?" Tanong niya sakin.
"Wala. Nameet pa nga ng mga suntok mo yung ex ko diba?" Sagot ko sa kaniya at natawa naman kami parehas.
"Alam mo I have an idea.." Lakas loob kong sabi sa kaniya. Wala ng atrasan 'to.
"What? I think I'll like that idea of yours." Nakangiting sabi naman niya kaya lalo akong kinabahan. Anak ng..
"What if we date?" Sa wakas nasabi ko din.. Napipikit ako ng mariin at inintay ang reaksiyon niya. Ang tagal niyang sumagot kaya napatingin ako sa kaniya.
Lalo akong kinabahan ng nanatiling blanko ang mukha niya.
"Okay it seems that you don't like it kaya forget it na.." Napapahiyang sabi ko. Tumikhim naman siya bago nagsalita.
"No.. I actually love that. Nagulat lang ako kasi ikaw yug nagtanong eh binabalak na nga kitang tanungin nun mamaya." Nakangiting sabi niya kaya napatanga ako sa kaniya... So iniisip niya din? Kyahh!!!!! Oh my gosh!!!!!!