Today is the opening of my second big store branch but here in the Philippines na.. Katulong ko na mag asikaso para sa opening nito today si Papa at Tita Amalia.. they guide me pa kasi syempre nagsisimula palang ako at kailangan kailangan ko talaga sila. All set na lahat ngayon maya-maya lang ay magdadatingan na rin ang lahat ng bisita.. si Tita Amalia ang nag asikaso ng mga guests kaya hindi ko alam, actually hindi ko talaga kilala ang mga dadating pero advantage na rin yun para mas lalong makilala yung clothing line which I named, "Style Isabelle"..I don't know how I came out with the name pero ayan ang unang pumasok sa isip ko kaya sinunod ko and it sounds good naman.. Isabelle is my second name.
Anyways, kakatapos ko lang bihisan at ayusan at ngayon ay nandito kami sa magiging office ko. I'm with my friends at yung mga nag ayos nga sakin. Ako yung mas nag ready, syempre business ko 'to and they asked me to make a short speech mamaya kaya ngayon kailangan ko mag rehearse.
"Grabe, Anisse ang galing mo ah.." manghang komento ni Rain habang sinisilip sa bintana ang buong store ko.
Ngumiti ako. "Hindi rin ako makapaniwala, girl.."
Glass doors and windows ang nakapalibot dito.. Malaki siya at suguro kayang i-company ang 200 na tao sa isang event o kapag maraming namimili.. Mostly I sell clothes talaga pero two years ago sinubukan ko na rin mag sell ng bags and shoes which is naging okay naman kaya ngayon 3 in 1 na.. may clothes na with shoes and bags pa.
"Do you have plans na dagdagan pa?" ani ni Rae.
I sighed. "Maybe someday?" sabi ko.
Humalakhak siya. "Why not diba? Kami ang unang bibili.." Nakangiti niyang sabi.
Nginitian ko siya. From then and now sobrang supportive pa din talaga nila sa akin sa kabila nang bigla kong pag iwan sa kanila four years ago.. and look us now parang isang linggo lang kami nagkahiwa-hiwalay.. Ganun pa rin sila. Ganun pa rin kami.
Lumabas na sila at naiwan ako dito sa loob. I smiled. Proud na proud pa din talaga ako sa sarili ko.. akala ko kasi talaga noon hindi ko maaabot lahat ng tinatamasa ko ngayon. Akala ko hindi ko mararating kasi sobrang naging malungkot ako dahil sa mga... sa mga taong nawala sa buhay ko. Pero nandito na ako.. Naging posible lahat ng mga akala kong hindi ko kaya.. Naging totoo lahat ng nasa imahinasyon ko lang. Dreams do really come true..
Now, parang naiintindihan at nag si-sink in na sa akin ang lahat.. kung bakit kailangan natin dumaan sa mga phases ng buhay natin na guso na nating sumuko.. Ito pala talaga yung dahilan na palagi nilang sinasabi.. Ito pala talaga yung 'worth it' na panahon na palagi nilang sinasabi. Ito yung sinasabi nilang kumapit ka pa kasi may maganda ring mangyayari sa buhay mo.. Ito yung lumaban ka pa kasi someday magiging worth it lahat ng pinagdaanan mo.
Nagpapasalamat ako sa sarili ko na hindi ako sumuko. Na hindi ako nagpatalo. Salamat dahil hindi ako naniwalang hindi ko kayang gawin lahat ng ;to ngayon.. salamat at hindi akmo naniwala na hanggang dun lang ako.. Kasi hindi yon totoo. Kasi anndito na ako, eh. Nagawa ko na at masayang-masaya ako para sa sarili ko.
Worth it talaga lahat. Lahat ng iyak.. Lahat ng sakit. Kasi pinatibay ako nun. Binigyan ako ng mga aral. Lahat ng taong nawala sa buhay ko naging worth it yung sakit na binigay nila sakin because I'm not be what I am today without all the pain they've caused me..
Nakakatawa pero dadating talaga yung panahon na papasalamatan mo yung mga taong nanakit sayo kasi dahil sa kanila natuto ka.. dahil sa pain na binigay nila tumibay ka. At hindi ko pinagsisihan na naranasan ko yun.
I sighed and came out. Sumalubong sa akin ang ibat'ibang tao.. yung iba kakilala pero yung karamihan hindi, eh. Pero kailangan makipag socialize.. haha.