Kabanata 12

17 2 0
                                    

Kabanata 12





KINABUKASAN si Mama agad ang bumungad sa akin pag ka gising ko. Nagmadali daw siya na tapusin ang trabaho niya para makauwi dahil nag-aalala siya sakin. Natawa naman ako sa reaksiyon niya kasi aligagang-aligaga si Mama.. and it's new to me.

Inaassure ko naman siya na okay lang ako at may maghahatid at magsusundo na sakin kaya hindi na niya kailangan mag-alala pa sa akin.

"Sino?" Takang tanong ni Mama habang nilalagyan ang pinggan ko ng pagkain. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng pagkalawak-lawak kaya tumaas ang kilay niya.

"Si James?" Sabi niya kaya nabulunan ako. Ahck! What????

"T-tubig.." nahihirapang sabi ko at dali-dali naman inabot yun ni Mama. Tumatawa lang si Lola sa gilid.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Mama pag kababa ko ng tubig sa lamesa.

"Bakit naman kasi yung James pa ang nasabi mo Anne.." Natatawang saad ni Lola kaya nangunot ang noo ni Mama at takang-taka.

"Bakit ba? Boyfriend mo yun diba?" Sabi niya sabay baling ng tingin sa akin. Napangiwi naman ako bago sumagot.

"Break na po kami." Sabi ko kaya nagulat siya.

"Huh? Bakit?" Tanong niya.

"Niloko po ako eh." Nakangiting sabi ko.. hindi ko alam bakit kapag tuwing tinatanong ako kung ano ang dahilan bakit kami nag hiwalay at iyan ang sinagot ko.. wala na akong nararamdamang kirot sa dibdib ko.. Mas lamang na yung ginhawa.. siguro kasi ngayon alam ko na wala nang nangloloko sa akin.

"Huh? Loko pala yun eh!" Inis na sabi ni Mama kaya napatanga ako sa kaniya.

"Okay na po ako tsaka mas okay na po ako ngayong wala na kami." Sabi ko kay Mama kaya napatango-tango siya.

"Buti naman kung ganon.. nafefeel ko rin ang masamang aura sa lalaking yun eh. Hindi ko lang sinasabi at ayokong isipin mo na pinipigilan kita...." Seryosong sabi ni Mama sa akin kaya napangiti ako sa kaniya.

"Sana nga po, Ma pinigilan niyo nalang po ako nun." Natatawang sabi ko.

"E ang tanong kung magpapapigil ka ba nung panahong yon?" Tanong naman ni Lola.

"Hindi po." Sagot ko kaya nagtawanan kaming tatlo.

Maya-maya lang biglang may bumusina sa labas kaya nagkatinginan kami nila Lola.

"May bisita ka ba Anne?" Tanong ni Lola kay Mama.. Umiling naman si Mama at tumayo para tignan iyon. Tumingin sakin si Lola, nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Anisse.." Tawag sakin ni Mama kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya.

Amputcha. Muntik na ako mahulog sa upuan ko ng makita ko kung sino ang kasama ni Mama. Si Trevor nandito.. may dala pang flowers.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko at nabigla sa pag tayo kaya napaupo ulit ako, sakit nun ah.. Lumapit naman agad si Mama at tinignan ang paa ko.

"Upo ka muna, iho.." Alok ni Lola kay Trevor kaya nakangiti siyang naghila ng upuan sa tabi ni Lola.

"Hindi naman nasabi ni Anisse na kaya pala ayaw na niyang pag-usapan si James kasi may bago na... nako.." Tukso ni Lola sakin kaya pinamulahan ako ng mukha. Lola naman eh..

"Hindi naman po." Nahihiyang sabi ko kaya tinawanan nila ako. Pakshet lang.

"E ano kang pangalan mo iho?" Napaangat ako ng ulo ng tanungin uli ni Lola si Trevor.

"Trevor po." Sagot nito at ang ganda pa ng ngiti kay Lola.

"Ano ka ba nitong anak ko Trevor?" Seryosong tanong sa kaniya ni Mama pero ang paningin kay nasa pagkain.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon