A/N: So ayun guys natatandaan niyo sinabi ko sa mga previous chapters ko na mayroong pageants sila sa school which Rae will represents their section. Apparently, nakalimutan ko na siya! Hahahaha! Sorry! Naging excited kasi ako sa flow ng story kaya nakalimutan ko na yung ibang parts. Huhu. Sa ano nalang dito ko nalang ilalagay yun sa college life nila. Thank you & happy reading! :)*********
Chapter 23 (SDN)
IT'S been four months since our vacation ended. July na.. and our college days started. Our summer 2020 became greatest and happiest. After our batangas trip.. right after that we to to El Nido, Bicol, Vigan, Ilocos, Davao, Baler and Batanes. Sobrang saya lang na of the trips I'm with my mom, lola, trev and my friends.
Naging okay kami ni Rae after that day na nakapag usap kami. Pati sila ni Trevor nakapag usap sila, Trevor already clear things to her.. Ganon din naman si Rae. She got hurt. I know that and I understand that. Kaya ginawa ko para makabawi ako sa kaniya kapag magkakasama kami hindi ko pinaparamdam sa kaniya na kailangan niya akong kainggitan o kamuhian. Naging ganun din naman si Trev, kinonsider naman pareho yung feelings ni Rae. As long as kaya namin siyang tulungan tutulungan namin.
Ang daming masasayang nangyari for this year. Sobrang daming memories.
As for me and Trev mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. We're legal on our both sides. Mahal ako ng family niya and mahal din siya ni Mama and Lola.
Sobrang okay kaming dalawa.. bibihira kami magtalo kasi sobrang mapag bigay niya sakin. Kahit minsan mali na 'ko payag siya! Hahahhaa! Pero minsan naman nagsosorry ako, hindi naman kasi puwede na kahit palaging pinagbibigyan ka ng boyfriend mo tama ka na. Dapat you should be sensitive din kasi baka diba naiisip na din nila na bakit palagi nalang tayo yung tama? Lahat naman tayo nagkakamali so if ever alam mo na nagkamali ka, say sorry at wag mo nang ulitin.
We're college. I'm taking Business Ad kasi wala lang. Hahaha! Charot, naiimagine ko lang kasi yung sarili ko na magtatayo ng isang malago at tatangkiling business someday. Dibuh?
Trev take Architecture. Nakikita ko nga minsan yung mga plates niya sobrang galing mag-drawing! Literal na napapa bilog yung bibig ko kasi ako stick man lang yata kaya ko idrawing! Hahaha!
Parehas kaming Business Ad ni Claud. Tourism si Rae tapos si Hopie, criminology! Taray ng ate niyo. Hahaha. And Rain takes Engineering.
Halos lahat kami talaga super excited sa college kaso nung nakalipas na ang isang buwan parang hindi na namin trip at ayaw na namin. Hahaha! Sobrang lala! Nakakastressed plus pa hindi na kami magkakasama sa iisang classroom.
Si Claud lang yung kasama ko since same kami ng course eh ang tahimik naman nun, hindi katulad ni Hopie na pag may naiisip siya idadaldal agad sayo. Hahahaha!
Nakakahiya pa kapag may recitation or whatever sa room na you need to orally state your answer.. nung high school kasi kahit mali mali yung sagot ko napaka confiden ko kasi alam ko papalakpakan pa rin ako ng mga kaibigan ko. E ngayong college hindi ko kilala mga kaklase ko plus ang seseryoso pa ng mga profs! Kaya lagi akong kabado kapag papasok ganun ata talaga kapag bobo.. Hahahaha! Charot! May laman naman hindi lang malaki.
Anyways, nasa school ako ngayon. Wala kaming klase for 2 hours. Kami lang magkasama ni Claud dito sa cafeteria. Pare-pareha may klase sila Hopie tapos si Trev naman busy kaya hindi ko na inabala.
"What's up with you Claud?" Kunot noong tanong ko kay Claudine na parang dala-dala lahat ng sama ng loob sa buong mundo.
Umismid siya at pinag krus ang dalawang braso. "Wala. Tahimik naman talaga ako." matabang niyang sabi.