Kabanata 19

8 4 0
                                    





NANDITO na kami sa Resort sa Batangas.. We rented the whole resort. Dahil nga madami talaga kami, kaming lima nila Rae then si Trev tapos yung mga families pa namin. Kaniya-kaniyang sasakyan kami papunta and siguro pauwi din. 3 days kami dito to celebrate syempre ang pagtatapos naming anim and to start the vacation! Syempre!!! Summer na.

Ngayon nasa kaniya-kaniyang suite muna kami para magpahinga after ng mahabang byahe, mamaya bababa rin kami para kumain.

Si Mama na ang nag presinta na mag ayos nang mga gamit namin ni Lola kaya nakatulog kami ni Lola agad pagkapasok palang sa suite.

"Anak bangon na.." Nagising ako sa mahihinang yugyog sakin ni Mama.

Nagkusot ako ng mata at mabilis na bumangon. Bihis na si Mama naka blue dress siya at ready na ata magtanghalian. Haha. Si Lola din, ako na lang talaga kaya hindi na ako nagsayang ng oras at nagtungo na sa banyo upang maligo.

Isang puting bestida abot hanggang aking tuhod ang sinuot ko. Niyakap nun ang buong kabuuan ko but it reveals so much of my skin.. but who cares? Nasa beach kami so it's okay.

Nang makatapos mag ayos ay bumaba na kami nila Mama.. cellphone ko lang ang bitbit ko.

Sa pinto palang ng restaurant ay kinig na kinig ko na ang mga asaran nila Hopie sa hindi ko malamang mga bagay. Ganiyan talaga sila. Nakita agad ako ni Trevor kaya nakangiti siyang tumayo at nilapitan kami. Una siyang bumeso kay Mama at Lola pagkatapos ay dumiretso sa akin. Nagtaka naman ako ng titigan niya ako na parang sinusuri ang kabuuan ko.

Ginapangan naman ako ng kaba ng lumapit siya at halikan ako sa noo ko.

"W-why are you staring?" Utal kong tanong habang bahagya niya akong hinila papalapit sa aming lamesa.

Lumapit naman siya at bumulong.

"Masama bang titigan yung future ko?" Sabi niya at nginisian ako.

Pigil na pigil naman ang ngiti ko pero hindi ko talaga kaya, kaya tawa siya ng tawa. Namula naman ako at hinampas siya. Nakaupo na kami sa lamesa. Grabe, dahil sa dami namin parang naukupa namin ang buong kainan na ito. Hahaha but may kasabihan nga diba? The more the merrier!

"Tigilan mo nga ako, Trevor." Nagbabanta kong sabi. Tumawa lang siya at lumapit.

"You look extra beautiful when you're blushing." Nakangiting hayag niya.

Napaiwas naman ako ng tingin at ngumiti ng pagkalaki. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita kong kumikislap yung mata niya when he's staring at me. Basta.. feeling ko lang syempre assumera ako.. Iaassume ko na inlove na inlove siya sakin. Chos! Pero syempre kapag mag aassume ka na nga lang diba dapat lubos-lubusin mo na!

Natahimik kaming dalawa ng iserved na ang mga pagkain. Most of them is Filipino foods at mga sea foods kaya masayang-masaya ang mga parents namin dahil kilala daw nila ang kakainin nila. Haha.

Si Trevor ang kumuha ng pagkain ko kaya hinayaan ko na siya. His left hand ang kumukuha ng pagkain habang abala naman ang isa niyang kamay sa pag hawak ng kamay ko kaya nakangiti ko nalang siyang pinanood na seryosong-seryoso sa pag sandok ng pagkain para sa akin.

Akala ko pang mga bata lang yung kilig... putcha kahit pala anong edad mo puwede ka pa rin kiligin.

"Teh ang lagkit ng tingin mo.." Nagitla ako ng magsalita ang katabi ko. Si Claudine.

Tumawa ako at bumaling sa kaniya.

"Mag jowa ka na kasi para may taga sandok ka ng pagkain.." natatawang sabi ko. Umirap naman siya bago magsalita.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon