Kabanata 11

13 5 0
                                    

Kabanata 11



NAUNA akong makabalik kay Rae sa room kahit iika-ika ako maglakad. Inis kasi ako kaya siguro nabalewala ko yung sakit ng paa ko.. pero ngayon ramdam na ramdam ko na yung kirot punyeta..

Naging mabilis naman ang oras. Hindi na naman nagtanong pa sila Rain pag ka akyat ko kanina. Nagets siguro nila na nawala na din ako sa mood sa ibang araw nalang ako magkwekwento.. Hindi ko kasi talaga maintindihan si Rae.. ano bang gusto niya? Wag ako lumapit kay Trevor? Psh, siya naman ang lumalapit sa akin.

Hanggang sa mag uwian ay wala kaming imikan ni Rae. Nakisama naman sila Claudine at hindi na nangulit pa. Sabay-sabay pa din naman kami hanggang gate. Gusto pa nila ako ihatid kasi ayoko na makaabala kaya pinauna ko na sila at
sinabing magpapasundo nalang ako kay Mama.

Inalalayan naman nila ako hanggang waiting shed at humalik sa kanila bago umalis. Kay Rae lang hindi..

Umupo ako don at dinial ang number ni Mama.

:Hello? Anak?

Hindi ako nakasagot agad kasi nagulat talaga ako na tinatawag niya ako ng ganiyan.

:M-ma??

:Bakit? May problema ba?"

:Ah wala po. Ano lang sana hehe..

:Ano anak?

:Puwede po bang magpasundo? Nagka sprain po kasi ako sa paa kaya hindi ako makalakad ng maayos.

:Ha? Ayos ka lang ba? Anong nangyari?

:Nagkamali lang po ng apak sa hagdan kanina Mama..

:E kamusta ka na?

:Okay na po ako.

:Hindi kita masusundo anak.. Nasa Manila na ulit ako.

Ramdam ko sa boses niya ang pagkadismaya at pag-aalala kaya napangiti ako. Haha.

:Okay lang ma. Wag ka na mag alala. Okay lang po.

May sinasabi pa si Mama ng biglang may tumigil na kotse sa harap ko at binusesahan ako.

Tinignan ko yon at si Trevor ang driver.

Umirap nalang ako at nagpaalam kay Mama ng maayos. Ayaw pa nga sana niya kasi sinigurado ko sa kaniya na okay na ako kasi may naisip na akong plano. Hahahaha.

Inintay kong bumaba sa sasakyan si Trevor at hindi naman ako nagkamali kasi bumaba ito at lumapit sa akin.

"Hatid na kita." Yaya nito sakin.

"Buti naman naisipan mo yan.." Mataray kunwari kong sabi.

"Syempre kasalanan ko bakit napilay ka eh.. konsensya ko pa kaya ihahatid na kita." Mayabang na sabi nito kaya napaismid ako.

"Joke. Gusto talaga kita ihatid." Sabi nito na nagpatigil sakin. Ano daw?? Gusto daw niya ako??? Este ihatid?

"Halika na." Nakangiting sabi nito at inakay na ako pasakay ng sasakyan niya.

Girl, ang bango sa loob. Kaamoy na kaamoy niya. Nakakainlove.. Charot. Hehe. Keshe nemen eh.. okay lang hindi gwapo basta mabango. Kaso itong si Trevor mabango na gwapo pa! 2 in 1 ganorn!

"Huy!" tawag nito sakin kaya napatalon ako sa gulat. Siraulo. Dahil dun tawa naman siya ng tawa. Ang OA.

"Ang OA mo parang yun lang." Sabi ko at nag crossed arms. Ang arte. Hahahaha! Beket be.. charot.

Hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa at mukhang natutuwang asarin ako kaya hinampas ko siya ng envelope na hawak ko.

"A-aray! Sadista ka talaga." Sabi nito.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon