Kabanata 14

11 3 0
                                    

Kabanata 14



SATURDAY ngayon. Walang pasok.. wala din pasok sa trabaho si Mama kaya napag pasyahan namin na lumabas. Kaming tatlo nila Lola. Ite-treat daw kami ni Mama kaya excited na excited ako. Aba syempre ngayon lang naman 'to magagawa eh.

10AM nang matapos kami sa pag-aayos nila Lola.. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ang una naming gagawin ay manonood ng sine kaya siguro sa Mall. Hahahaha! Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan.. Busy pa sa pagme-makeup si Lola at si Mama naman ay nakafocus sa pagda-drive kaya nagcellphone nalang muna ako.

I took a photo with Mama.. hindi siya nakatingin pero ang cute nung picture kaya ini-story ko sa IG ko.

Tumunog siya kaya kinuha ko ulit.

trev.arcega replied on your story.

Napakunot ang noo ko kaya tinignan ko yun agad.

trev.arcega: sana all family

Huh????

itsanisse: ano nanaman?

I send it and wait for his respond. Ano nanaman kayang kalokohan 'to hahaha wala pa pero napapatawa na agad ako.. hay. Masama na 'to napapatawa na niya ako kaagad wala pa man siyang ginagawa.

trev.arcega: wala, saan kayo pupunta?

I typed my reply.

itsanisse: sa mall yata.. nood movie, kakain ganun

trev.arcega: ingat kayo.. sasagutin mo pa ako.

Nagulat ako sa reply niya kaya tinitigan ko pa yung ng ilang segundo at paulit-ulit na binasa baka kasi nagkamali lang ako ng basa.. Pero putangina.. hindi.

itsanisse: huh?

trev.arcega: huhtdog.. pasalamat ka ano ka

itsanisse: ano?

trev.arcega: pasalamat ka like kita kaya okay lang na slow ka

Natawa naman ako dun kaya napatingin sakin bigla si Mama. Hahaha. Kasi naman parang sira 'to..

itsanisse: dami mong alam

trev.arcega: lokohin ka lang hindi

itsanisse: ano????

trev.arcega: hay nako.. sabi ko lokohin ka lang ang hindi ko alam gawin

Paliwanag naman niya kaya natawa ulit ako.. napatingin ulit sakin si Mama.

"Si Trevor yan?" Tanong niya sakin napatango naman ako.

trev.arcega: awts seen broken na ang heart q

Cute. Hahaha.

itsanisse: ang arte mo.. diyan ka na malapit na kami btw, bgc lang kami..

Last reply ko at nauna ng bumaba kila Mama.. Nilibot ko naman ang mata ko sa buong paligid. Medyo maraming tao saturday kasi walang pasok. Hahahaha.

Bumaba na sila Mama kaya pumasok na kami sa loob. Cinema muna kaya nagpunta kami dun, si Mama nalang yung bumili ng tickets and snacks kaya nag hintay nalang kami ni Lola dun.

"Bakit hindi mo niyaya si Trevor 'nak?" biglang tanong sakin ni Lola kaya gulat akong lumingon sa kaniya.

"Bakit naman La? Pamilya ba natin yon?" Takang tanong ko.

"Soon pag sinagot mo na siya.." Tukso niya sakin kaya pinamulahan ako ng mukha. Paano naman niya nalaman yun? E ako nga hindi ko alam kung panliligaw ba talaga yun. Sabi niya lang kasi "date" eh.. yun din sinabi ko. Ibig sabihin ba nun ligawan na din?

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon