Kabanata 8

18 5 0
                                    

Kabanata 8

[R-18] SPG. Bawal sa bata.



IT'S SATUDAY.. so it means walang pasok.. rest day. Hahaha. Tuwing weekends mas pinipili ko na sa bahay kaysa gumala. Duh, ang init-init kaya para maglayas tsaka hindi rin naman nagyaya sila Rain kaya wala din. Sila lang naman palagi kong kasama eh.

"Anisse.." Narinig kong tinawag ako ni Lola kaya dali-dali akong bumangon sa kama at naghilamos.

"Bakit po?" Tanong ko habang nagpupunas pa ng towel sa mukha ko. Naka pajama pa ako. Haha. By the way, wala si mama dito sa bahay. Nasa Manila siya for a month dahil sa trabaho niya.. hindi niya sinabi sakin pero si Lola naman nagsabi sakin kaya hindi na ako nag-aalala.

"Aalis nga pala ako, anak.. Dumating yung kaklase ko nung high school eh may salo-salo dun sa kanila." Nakatawang sabi sakin ni Lola habang tinatapos ang niluluto niya ewan ko kung ano.

"Salo-salo ba talaga o chismisan La?" Mapang asar kong tanong kaya ngumisi siya. Hahaha! May pinagmahan talaga ako.

"Ano pa nga ba.." Bumuntong hininga pa si Lola. Tumawa lang ako at dumiretso sa kwarto para magpalit ng damit at icheck ang cellphone ko baka kasi nagchat o text yung mga yun na may pupuntahan churva ek ek.

Nang wala naman ako makita ay lumabas na din ako agad. Tapos na din si Lola magluto at naghahanda na siya para makaalis na siya. Bihis na bihis ang Lola ko. Bagets! Naka dress pa, talaga naman.

"Wow naman Lola.. mas maganda ka pa po sakin." Tukso ko sa kaniya.

"Aba syempre, ako ang Lola eh sakin galing ang ganda mo kaya mas lamang ako." Nag flip pa ng buhok si Lola e ang iki naman ng buhok niya. Hahahaha. Umiling nalang ako at dumiretso sa lamesa upang tignan ang niluto ni Lola at para kumain. Wow, afritada. Hehe. Ay ewan? 'Di ko sure! Ako lang ba? Pero hindi ko alam ano pagkakaiba ng afritada, menudo, caldereta at iba pa. Hahaha! Basta ulam 'to.

Nagpaalam na si Lola sakin at umalis na siya. Tahimik ang bahay. Actually lagi naman 2x nga lang ngayon kasi ako lang mag-isa. Kung gusto ko man mag-ingay dapat magsisigaw ako dito pero hindi naman ako siraulo pa.

Anyways so yun nga balik tayo dun kay Mama kanina.. hindi kami masyadong close ni Mama. May tampo ako sa kaniya. Mayroon din siya sakin. Hindi ko nakaugalian na mag open up kay Mama lalo na sa mga personal at emotional problems ko kagaya nalang nga nitong break up namin ni James tsaka yung kay Papa. Pero hindi naman ako pinapabayaan ni Mama.. full support siya lagi lalo na sa pag-aaral at mga gusto kong gawin. Si Papa lang talaga yung lumaki ako na wala.. kahit kamusta o ano wala. May bago ng pamilya eh guguluhin mo pa ba? Haha. At tsaka malaki na ako.. naiintindihan ko na yun.

Oo, may tampo ako.. sama ng loob pero hindi naman siguro ito aabot sa "galit". Kahit hindi ko naman siya nakasama habang lumalaki ako yung pagmamahal na meron ako para sa kaniya mas malaki pa sa pagkatao ko. Kay Mama din kahit lumaki ako na parang malayo ang loob namin sa isa't isa deep inside mahal ko yun.. at para sakin siya ang pinaka the best na nanay. Sympre siya lang naman nanay ko eh! Hahaha.

Kontento ako sa buhay ko. Kahit minsan magulo, masakit, malungkot at nakakainis kung mabubuhay man ulit ako at may pagkakataon na papipiliin ako ng magiging buhay ko ito pa rin yung pipiliin ko. Kasi wala namang buhay o taong perpekto. Lahat naman dumadaan sa hirap. Lahat muna sa kadiliman bago ang kasaganahan. Patibayan lang. Kahit naman ganito lang yung meron ako pakiramdam ko pa rin blessed ako.. and happy na ako dun.

Nakangiti ako habang kumakain parang sira lang. Hahaha.

"Tao po!!" Nagitla ako sa malakas na katok kaya napatayo agad ako at nagpunta sa pintuan para tignan kung sino yung pambwisit sa pag aalmusal ko.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon