Kabanata 4

25 10 0
                                    





LUMIPAS ang mga araw simula nung pag hintayin ako sa ulanan ng boyfriend ko. Hindi naman ako nakaligtas sa pag uusig at pangangaral ng mga kaibigan ko.

Hindi ko din sila masisisi. Kahit ako naman kitang-kita ko na mali na. Pero wala eh. Choice ko. Choice kong manatili.

Pinatawad ko na agad. Kahit wala pang explanation o sorry man lang. Wala naman kasing mangyayari kung magagalit pa ako. Hindi naman ako susuyuin. Hindi naman ako hahabulin.

Sa huli, imbis na sila yung mag suffer mas nagsusuffer ako.

Hay..

"Ano mag eemote ka nanaman diyan?!" Mataray na tanong sakin ni Rae habang nakapamewang pa.

Tinignan ko naman siya. Nasa tabi rin niya yung tatlo parehas nakataas yung kilay sakin.

"Wala 'to. Kayo kasi lagi niyo pinapansin." Biro ko pa at kunwaring tumawa.

"Kung nababayaran lang siguro ang kaplastikan, milyonarya ka na." Sarkastikang sabi ni Hopie.

"Kung nababayaran ang kalibugan Hopie, baka yung pera pinapamunas mo nalang." Banat ko din kaya nag tawanan kami.

Dito sa school.. Dito ko lang nararamdaman ang sarili ko. Dito lang ako ngumingiti. Dito lang tumatawa. Dito lang may nakakausap.

Mas nararamdaman ko pa nga na ito yung bahay ko kaysa dun sa amin. Haha. Nakakatawa.

Kaya hindi ako nagtataka kung bakit may mga kabataan na late palagi umuwi ng bahay..

Kasi katulad ko sa school, sa labas lang nararanasan maging masaya.

Kumbaga, walang bata na uuwi ng late kung masaya yan sa bahay.

Parang sa panahon ngayon, lahat nalang ng tao malungkot. Haha. Patibayan nalang talaga araw-araw.

"Wala nanaman tayong teacher?" Tanong ni Claudine na nagpabalik sakin sa realidad.

Walang sumagot samin pero pare-parehas kaming tumango.

Tumayo si Rae kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Ano pang ginagawa niya dyan? Tara na sa canten. Dun tayo." Yaya niya samin at nauna ng lumabas pero kaming apat nakaupo pa.

"Oo nga tara na dun, baka makita ulit natin yung transferee tatanungin ko na talaga yung pangalan non!" Kinikilig na sabi ni Rain kaya napailing ako.

Kahit kailan talaga 'to.

Wala na akong nagawa ng tumayo na din yung dalawa kaya sumama na din ako.

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Ewan ko ba. I don't feel like smiling today. I don't feel myself today.

Nang makarating sa canteen ay naupo lang ako sa lamesa namin habang yung apat may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan.

Si Rae busy sa pag mamasid sa paligid at naghahanap ng malalait niya. Bitch. Ganiyan yan palagi. Pero kaibigan ko yan kaya okay lang.

Si Rain, Claudine at Hopie naman ay busy sa pag ikot ng paningin sa buong canteen at hinahanap yung guy...

Aha!

Oo nga pala nasa akin pa nga pala yung panyo niya!

Dali-dali kong kinalikot ang bag ko at hinanap yung panyo kung dala ko ba. Nako sana dala ko. Nakakahiya na kasi ilang araw na inabot nun sakin.

"Hay salamat nandito.."

"Huh?" Takang tanong ni Rae.

"Wala." Nilingon ko sila Rain at kinulbit ito.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon