Kabanata 35

5 1 0
                                    





Nagising ako na nasa bisig ni Aly at magkayakap kaming dalawa. Dahan-dahan akong tumayo at inayos siya ng pag higa dahil buong magdamag ay ganon ang pwesto niya. Hinawi ko pa ilang butil ng luha sa kaniyang mata bago magpunta sa banyo para maligo.

Mas lumala ang pamamaga ng aking mata na parang nakapikit na ako. Daig ko pang pinagtulungan ng ilang ipis sa itsura ko ngayon. Naligo ako bago napagpasyahang bumaba.

Nakita ko sa bintana na nag uusap si Mama at Papa sa may veranda kaya nanatili ako sa malayo at pinagmasdan sila. Siguro napapag usapan nila yung kagabi. I saw Mama wipe her tears. Maging ako ay nasaktan.. I guess their talking about their unfinished past.

Papa look so worried pero tumawa si Mama.. Papa mouthed sorry and then they hugged each other.. nakita ko rin sa gilid si Tita Amalia na nakangiting nakatanaw kila Papa kaya nilapitan ko siya.

Naramdaman niya ako kaya unti-unti siyang lumingon sa akin. Nagulat pa ito pero kalaunan ay ngumiti. Lumapit ako sa kaniya at sabay namin tinignan si Mama at Papa na nagtatawanan na.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa pero kalaunan ay nag salita si Tita na kinagulat ko... pero inaasahan ko na din naman.

"Magkaibigan na silang dalawa noon nung dumating ako sa buhay nila.." ani ni Tita. Tinutukoy niya ay sila Mama. Hindi ako nagsalita at hinayaan siya.

"Una kong nakilala si Anne.. Mataray siya pero siya lang ang kaisa-isa ko noong kaklase na hindi nagdalawang isip na kaibiganin ako." Nagtaka ako roon kaya ngumiti si Tita.

"I'm an orphan.." nanlaki ang aking mata.

"Lahat ng studyante noon pinagkakatuwaan ako.. pero si Anne lang ang naging kakampi ko kaya naging mag best of friends kaming dalawa.." Nakangiti niyang sabi.

"There was a guy na lagi niyang kinekwento sa akin.. inlove  na inlove siya doon pero hindi niya daw magawang sabihin dahil natatakot siyang mareject.. at baka masayang ang pagkakaibigan nila kaya mas pinili niyang wag nalang iyon sabihin.."

Nanatili pa rin akong tahimik. "The guy was your Papa.." hindi o na yun kinagulat.

"And then one day.. it was your Mama's birthday. I was invited along with our other classmates.. Doon kami nagkakilala ng Papa mo. I can't deny that I was love at first sight. He is so gentleman.. he's so funny and he look so good. Who wouldn't fell?" Nakangiting sabi ni Tita pero agad ding naglaho.

"That time I wasn't aware that he's the guy that my bestfriend is  inlove with. And Anne doesn't tell me. Hanggang sa naging close kami ng Papa mo.. he always asked me to go out. At nalaman niyang friends kami ni Anne kaya mas naging okay.. Minahal ko ang Papa mo na hindi ko alam na mahal din pala siya ng bestfriend ko, ang mama mo.." She stopped a bit.

"Nagpatulong pa noon ang Papa mo kay Anne na manligaw sa akin.."

"Pumayag po si Mama?" tanong ko.

Tita slowly nod. "Oo, dahil napakabuti ng puso niya. Alam niyang wala akong pamilya at ang Papa mo lang ang nagparamdam ng totoong pagmamahal sa akin kaya hindi niya iyun pinagkait kahit mas nauna niya itong mahalin bago ako."

I admired my Mom.. "Naging kami ng Papa mo.. we are the happiest that time. Pero si Anne hindi but she choose to be happy para sa akin at sa Papa mo. Until one day nahanap ako ng mga kamag anak ko.. I have to go abroad. Bilang ilang taon ako naging mag-isa nais kong maramdaman magkaroon ng isang pamilya.. HIndi rin ako tanggap noon ng pamilya ng Papa mo dahil nga mahirap lang ako kaya nag udyok yun sa akin upang iwanan siya at mag aral sa ibang bansa at pagkatapos ay pagandahin ang buhay para sa pagbalik ko bagay na ulit kami."

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon