Kabanata 6
I WAS hurt. I was shocked. I was confused.
Why? Why it happened? Saan pa ba ako kulang? O ang tamang tanong nga ba ay saan ako sumobra?
"It's okay if you feel lost... Let it out Anisse. Makikinig kami.." Masuyong sabi ni Claudine..
Lahat sila naaawa sakin. Maging ako naaawa din sa sarili ko.
"Ang s-sakit.." Mahinang sabi ko at mas bumigat ang pakiramdam ko. I feel dumb. I feel bad. I feel sorry for myself. I feel sad.
"Of course.. Mahal mo yung tao eh." Sabi ni Hopie.
"Gusto kong tanungin eh.. Right there and right that time.. Gusto kong tanungin.." Hirap na hirap akong magsalita dahil sobra na nga ang pag-iyak ko pero alam kong dito lang medyo gagaan ang pakiramdam ko.
".... Where did it go wrong? Kasi hindi ko maintindihan... Ang alam ko lang ang sakit-sakit.." Hinagod ni Rae at Claudine ang likod ko.
"Ginawa ko naman lahat eh. Kahit ayaw ni Lola.. Kahit ayaw ni Mama.. Sinuway ko.. S-sinuway ko! Kasi ano? Kasi sa kaniya lang ako nagiging ako.." It feels like hell inside.. Pakiramdam ko napupunit yung puso ko. Why me? Why us?
"Bakit naman ganon? Bakit ang hirap hirap naman maging masaya? Ha? Bakit..." Umiiyak kong sabi.
Hindi sila umimik. They let me. They let me cry my heart out..
"At some point of our lives dumadating talaga na mapapatanong ka ng ganyan Anisse.. Pero hindi pa naman katapusan ng mundo.." Seryosong sabi ni Hopie.
"May time ka pang bumangon. May time ka pang ayusin sarili mo. May time ka pang punan lahat ng pagkukulang mo sa sarili mo. Marami ka pang oras.." Dagdag niya.
"Hindi ko na yata kaya Hopie.. I feel like my other half is gone.." Sabi ko nalang.
"No. Kaya mo. Kaya mo lang nasasabi yan kasi nasasaktan ka. Pero kaya mo okay? Kaya mo!" Seryosong sabi niya kaya napaiyak lalo ako.
"Sabi ko kasi sayo eh.. I told you na stop na kasi masasaktan ka ng sobra but you never listened." Mahinang sabi ni Rae.
"Hindi ko ineexpect. I never expected this to happen." Sabi ko nalang.
"Ako hindi na nagulat." Sabi ni Claudine kaya napatingin ako sa kaniya.
"What? Oh c'mon! Sa itsura palang nun alam mo na agad na manloloko hindi mo lang nakita Anisse kasi mahal mo." Sabi nito.
She's right. Wala akong nakikitang mali sa kaniya noon, kung mayroon man palagi kong pinipili na baliwalain.
Natahimik kaming apat at pinagpatuloy ang pag-inom.
"Nagriring cellphone mo Anisse.." Sabi ni Hopie kaya kinuha ko ang phone ko.
"Baka si James nanaman yan ha! Nako, Anisse! Sinasabi ko sayo itatakwil kita kapag nag pauto ka nanaman!" Inis na sabi ni Rae.
Mukhang malabo na.
"Wag kang marupok, pakiusap." Sabi naman ni Claudine.
Tinignan ko ang screen kung sino ang tumatawag.
"Si Lola 'to." Sabi ko at napanatag naman sila.
Me: Hello La? Bakit po?
:Nasaan ka? Umuwi ka na.
Me: Bakit po? May nangyari po ba?
:As usual. Lasing ang mama mo hindi ko na siya kayang asikasuhin. Bilisan mo bago pa magwala ito. Jusko.Kinig ko ang mga sinasabi ni Mama sa kabilang linya.. Sama ng loob niya kay papa syempre.
Hays. Binaba na ni Lola ang tawag.