Kabanata 17
NAGISING nalang ako ng maramdaman ko ang titig sakin ni Trevor. Gawd. Meganon?! Kailangan titigan? Baka mamaya may panis na laway pa ako dai! Kahiya baka mamaya i-break ako nito kaagad! Hahaha Chos!
Marami kaming napuntahan ni Trev. Kung saan saan niya ako pinasyal dito. Super nabusog yung mata ko sa mga napuntahan at kinainan namin. Kahit nakakapagod super sulit na sulit yung araw kasi siya naman yung kasama ko.
5PM nang matapos kami sa pamamasyal at nag stop nalang sa Starbucks Tagaytay kasi ganda ng view dun lalo na pag sunset na. Siya nalang nagorder nag intay nalang ako sa lamesa habang nagbrobrowse sa napakadami naming pictures.
May mga selfies.. may mga ibang tao yung pinakisuyaan namin na mag kuha. May mga solo pics siya. Ang gwapo niya talaga. Nakakaiyak talaga na boyfriend ko na siya ngayon. Huhu. Real talk. Hahaha.
Ini-story ko yun sa IG at Facebook ko. Puro pictures namin. Then yung last yung view dito. Maya-maya lang din bumalik na si Trev kaya kumain muna kami. Sobrang ganda talaga ng sunset. Gustong-gusto ko talaga siya. Iba yung pakiramdam lalo na pag kasama mong mapanood yun, yung mahal mo. Hys.. kinikilig ako. Hahaha. Nakatulala lang ako sa view ng mapansin ko na kinukuhanan ako ng picture ni Trev kaya mabilis kong tinapkan ang mukha ko.
"Ano ba! Naman 'to! Ang pangit ko naman diyan eh!" Reklamo ko kaya natawa siya.
"Pangit daw. You're always beautiful sa mata ko." Nakangiting sabi niya kaya nag init ang pisngi ko.
"Enebe.." sabi ko at maarteng hinagod ang buhok ko kaya natawa siya.
Nilabas niya ulit ang cellphone niya at pinicturan ako kaya nag popose-pose ako ng kung ano-ano dun. Kahit muntanga ako dun hayaan mo na sabi naman nia ay lagi akong maganda sa paningin niya kaya kahit haggard ako ngayon maganda pa din ako para sa kaniya! Hahaha! Panis! Wala kayo non. Char.
Inakbayan niya lang ako at picture ng picture sa cellphone niya. Kaya nagmemake face nalang ako. Tawa naman siya ng tawa kasi parehas kaming muntanga. Hahaha.
"I never felt this way before.." bulong niya sakin kasi nakahilig yung ulo niya sa balikat ko habang nilalaro niya ang kamay ko.
"Nakakabading pero kinikilig ako kahit sa simpleng titig at ngiti mo kapag kausap mo ako. Pakiramdam ko palagi kitang napapasaya." Sabi niya kaya parang hinahaplos nun ang puso ko.
Hindi ako umimik kaya tumunghay siya at tinignan ako.
"Are you happy?" Tanong niya sakin kaya sunod sunod akong tumango at ngumiti sa kaniya.
"Sobra. Kung alam mo lang nako. Hys.. feeling ko nga naiiyak ako sa kagwapohan mo." Sabi ko kaya parang nasamid siya at natawa naman ako.
"What?!" Takang tanong niya kaya lalo akong natawa.
"Wala. Ang daya kasi kahit wala kang ginagawa ang lakas ng dating mo sakin. Siguro ginayuma mo 'ko no?" akusa ko sa kaniya kaya napaturo siya sa sarili niya na parang bakla.
"Me?! Oh no baby.. baka ikaw." Sabi niya at kinindatan pa ako. Natawa at iling naman ako bago sumagot.
"At bakit naman ha?!"
"E kasi nung tinawag ako nung kaibigan mo nung first day tapos nakita kita crush na kita agad." Pag amin niya kaya nagulat ako. Ikaw ha! Kaya pala!
"Kaya pala ha! Kaya pala rereply-reply ka sa story ko kasi crush mo 'ko!" Sabi ko sa kaniya kaya napakamot siya sa ulo.
"Syempre paano mo 'ko mapapansin kaya nag reply ako sa story mo sakto naman lasing ka kaya may mga nasabi ka." Sabi niya kaya naalala ko nanaman yun. Hinampas ko siya kaya tawa siya ng tawa.