Kabanata 20

6 3 0
                                    





Sabay-sabay pa din kaming kumain kagabi dun sa restau. Nag kwentuhan nalang at asaran tungkol sa mga pinag gagawa kanina sa beach. Tapos mga nag si akyatan na din kasi marami daw gagawin bukas kaya kailangan daw na marami kaming energy.

We're getting ready. Iniintay nalang namin si Lola matapos sa kaniyang pag-aayos para makababa na kami. Tinext na rin ako ni Trev kanina na nasa baba na sila.. nag send din ng pictures sakin si Rain.Naka beach dress lang ako naka pa ilalim naman dun yung swim wear ko in case na mag swimming mamaya dun sa pupuntahan na kabilang isla.

"Hay.. akala ko hindi ka na lalabas, Ma.." ginhawang sabi ni Mama, ngumiwi lang si Lola. Tumawa ako sa kanila habang iiling-iling si Mama..

"Aba syempre! Hindi puwede mukha akong basahan 'no!" sabi nito at umikot pa samin ni Mama.. Naka backless dress siya and hat. Super ready talaga si Lola para sa trip na 'to, mas marami pa siyang damit kesa samin ni Mama. Hahaha.

Nauna ng lumabas si Lola, nagpahuli na ako para ako na magsara ng pinto. Nakasabit sa leeg ko ang DLSR ni Ate Olive, binigay niya 'to sakin kanina bago siya bumaba. Ewan ko sabi niya ako na raw ang magdala kaya dinala ko. Hawak naman ng kabilang kamay ko ang cellphone ko.

Sabay na kaming bumabang tatlo. Sa Lobby namin sila nakita na naghihintay.. nagkwekwentuhan. Hindi talaga sila nauubusan ng pagkwekwentuhan.

Dumapo agad ang tingin ko kay Trev na nakatayo at nakangiting nakatingin sakin. Enebeyen. Umagang-umaga ang ganda agad ng nakita ko. Hahahaha!

Lumapit ako sa kaniya, hinalikan naman niya ang aking noo na gustong-gusto ko. "Good morning, love.." he said in husky voice.. Para naman akong kinuryente kaya 'di ako nakapag respond agad.

"Good morning, love.." tugon ko. Ngumiti siya at hinapit ako para hawakan sa bewang.

Dahil sila Tita Tess at Tito Renz ang may kakilala dito sa may-ari ng resort at sa mga pasyalan dito sila ang among tour guide. Hahaha.

We'll ride a boat daw patungo dun sa kabilang isla. Super ganda daw dun and linaw ng tubig na kaya mo ng manalamin. Char. Makita yung corals sa ilalim.

Magkasama ang pamilya ko at pamilya ni Trev sa iisang bangka.

Inalalayan ni Tito Aries si Tita Anj at Ate Olive paakyat. Si Trev naman ang tumulong sakin, Kay Mama at Lola. Buhat na pala ni Tito Aries si Thea.

Inintay muna namin na makasakay ang lahat sa kaniya-kaniyang bangka bago umalis. Nang magsimula itong umandar ay lalo akong naging masaya.. ang hampas ng hangin sakin ay nag bibigay ng ginhawa.

Hinawakan ni Trev ang aking beywang na akala mo'y mahuhulog ako. Haha. Humilig ako sa kaniya at pinagmasdan ang buong tubig alat. Kinuha ni Ate Olive sa akin ang kaniyang DLSR, binigay ko naman ito. Humarap siya sa amin ni Trev bigla para kuhaan ng larawan kaya nagulat kami. Parehas kaming hindi nakatingin dun.

"Ate, sabihin mo naman kung gusto mo ng picture ko. Madami tayo sa bahay.." mayabang na sabi ng boyfriend ko. Umirap naman si Ate kaya natawa kami.

"Kayo ni Anisse kinukuhanan ko, wag kang feeling brother." Sabi nito, nagkibit balikat naman itong isa at umayos para makuhanan ulit. Humilig akong muli sa kaniya tapos ay nakailang shots ng picture si Ate.. ngumiti siya habang tinigtignan yun kaya nacurious kami. Lumapit naman agad si Ate para ipakita yun samin.

"Sana all kasama yung jowa.." tatawa-tawang sabi niya habang ako naman ang tumitingin sa mga pictures.

Ang gaganda nun lahat.. pero pinakamaganda yung biglaan. Hahaha. I'll post this later. Nakangiti ding tinignan yun ni Trev.. "Send mo 'to sakin Ate mamaya ha.." Sabi niya pero ang tingin ay nasa camera.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon