Mag iilang buwan na simula nung maaksidente si Mama. Ilang buwan na rin siyang nananatili sa ICU. Nagpatuloy ang buhay ko kaya lang sa bawat araw na nagdaan at magdadaan alam kong palaging may kulang. Natutulog at gumigising akong palaging natatakot. Natatakot na baka sa isang pikit ko lang tuluyan na akong iwan ni Mama.After her accident I don't go to school. Nang hihingi nalang ako ng mga handouts sa mga profs and lectures sa mga kaklase ko. Lalo na kay Claudine lagi niya akong pinapahabol sa mga lessons na namimiss ko. Kung may pt, project o thesis kami hindi niya ako kinakalimutan. At napakalaking pasasalamat ko roon.
I had to double, no triple my job para matustusan ko ang pagkaka ospital ni Mama. Lola got stressed. Kailangan na rin niya ng maintenance kaya lahat ginagawa ko para alagaan silang dalawa. Halos gawin ko nang umaga ang gabi sa pagtatrabaho. In the morning nag wa-waitress ako sa isang high end na restaurant. Sa afternoon sa another restaurant sa Makati at sa gabi nanahi ako ng mga damit.
Sa pagtagal ng pananatili ni Mama sa ICU ay siya ring paglaki ng mga bayarin ko roon. Gustuhin man akong tulungan ni Trevor at ng pamilya niya ay tumanggi ako dahil hindi nila iyun responsibilidad. Sapat na sa akin ang minsang pag babantay nila kay Mama dito sa ospital kapag wala ako.
Hindi na muli kaming nakapag usap ni Rain after ng pagtatalo namin noon sa ER. She goes here in the hospital para dalawin si Mama and pumupunta rin siya sa bahay for Lola.
Kaming dalawa ni Trevor ganun pa rin. Busy ako, busy siya. Thankful ako na naiintindihan niya ako. Wala na akong time sa kaniya, sa amin. And I'm glad na naiintindihan niya ako dahil family first. He make time for us. Kapag nasa bahay ako at nanahi pumupunta siya para dun matulog minsan siya rin nagbabantay kay Lola. Madalas naming pag usapan ay puro tungkol kay mama at sa board niya....
Hindi na namin napapag usapan ang tungkol samin. And it makes me cry every night.
Napakarami na nang nangyare sa mga nagdaang buwan. Nakapag tapos na ang mga kaibigan ko pwera sa akin dahil kailangan kong habulin ang mga naiwan ko. Graduate na rin naman ako pero marami akong mga paper works at mga requirements na kailangan ko pang ipasa. Ngayong wala nang pasok, trabaho naman agad ang inaatupag namin. Kaya simula nung nagtratrabaho na sila nag volunteer sila na mag sasalitan sila sa pagbabantay kay Mama kapag wala ako. I don't know what did I do to deserve friends like them.
"Ms. Oliavar?" napakurap-kurap ako ng may tumawag sakin.
Si Doc pala. Umayos ako ng tayo at ngumiti. "Yes doc?"
"How are you?" she asked me.
Nagulat ako at hindi nagawang sumagot kaagad, why is she even asking about me?
"U-uh.. okay naman po." sagot ko sa mahinang boses.
Tumango siya. "I see... But I came here because of your mother.." Marahan niyang sabi.
Mabilis gumapang ang kaba sa aking sistema pero hindi ko iyon pinahalata.
"Bakit po? May progress na po ba?" I said smiling to lessen the tense.
Umupo siya kaya't tumabi ako. "I'll be honest with you. There's no progress but your Mom is fighting..." she smiled kaya medyo napanatag ang loob ko.
"She's fighting for you.. walang progress pero tinatanggap ng katawan niya ang lahat ng treatment." Nakangiting sabi ni Doktora. Ngumiti ako at tumingin kay Mama na nakahiga pa rin.
"Kaya hindi rin po ako mapapagod mag trabaho doc.." usal ko habang nakatingin pa rin kay Mama.
She sighed at tinapik ang aking balikat kaya bumalik ang tinghin ko sa kaniya.