Kabanata 15
PAGDATING sa bahay ay hindi na nagtagal pa si Trevor kasi hinahanap na daw siya ng Mama niya.. Hinatid niya lang ako tapos nagpaalam na siya kila Mama.
Nandito kami ngayon sa sala nakaupo habang kumakain nung tinake-out ni Mama kanina. Busy si Lola sa pagfe-facebook tapos si Mama naman ay nagsco-scroll siguro ng mga photos sa cellphone niya.
Inabala ko din naman ang sarili ko sa panonood ng tv ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binuksan.
trev pogi: I'm home..
Huh?! Kailan pa siya nagkaroon ng contact sa cellphone ko? At "pogi" pa ang nakalagay?! Lakas ah.
me: Good. Kumakain kami
Ano naman kung mag update ko diba? We're dating.. it's okay. Hahahaha.
Hindi na siya ulit nagreply. Bastos yun ah. Pero hayaan mo na hindi ko naman iniintay, medyo lang.
"Anisse." Tinawag ako ni Mama sa kusina kaya pinuntahan ko.
"Po?" Tanong ko. Nakatalikod siya at may kinukuha sa ref. Walang kapagod-pagod si Mama parang nagbabalak pa magluto.
"Bakit hindi mo yayain dito sa bahay sila Rae?" Tanong niya sakin habang hinahanda ang kung ano-anong gagamitin niya.
"Po? Bakit Ma? Anong meron?" Takang tanong ko din at umupo sa high chair, at nag ikot-ikot dun na parang bata.
"Wala naman. Namimiss ko lang kaingayan ng mga batang yun." Nakangiting sumulyap siya sakin.
"Sige po. Ite-text ko sila.." Sabi ko lakad takbong bumalik sa sala para kunin ang cellphone ko.
Me: hOY MGA SLAPSOIL SLEEP OVER DAW KAYO DITO HAUZ SABI NI MAMA
Text message nalang sa group namin.
Rain: wow Imessage
Hopie: binyagan na yan!!!!!
Rae: otw, sino papasundo?
Claudine: me
Rain: (2)
Hopie: (3)
me: dalian niyo huh, ingat kayo kasi hindi kayo iningatan hehe
Rain: kapal ng mukha mue!
Claudine: porke may kasama ka na mag samgyup huh!
me: san mo naman nakita? ninja ka talaga
Claudine: girl mutuals kami sa ig nakita ko
me: kfine, dalian niyo na dame ko kwento
Pinatay ko na ang cellphone ko after ng convo namin. Darating na yung mga yun mamaya. Maliligo muna ako para kwentuhan nalang mamaya.
***********
Nakaligo na ako ng maabutan ko sila na nasa sala na. Mga pare-parehas naka pajama, tshirt at tsinelas lang. Hahahahaha! Cellphones and wallet lang ang mga dala-dala nila. Hay, feel at home na talaga sila dito sa bahay.
"Blooming ka 'teh.. ano meron?" Tanong bigla sakin ni Claudine pag kaupo ko sa tabi ni Rae.
"Huh?" Tatawa-tawang tanong ko naman sa kanila. Anong blooming? Lagi naman talaga ganito ang itsura ko wala namang bago.
"Oo nga napapansin ko din.. dahil ba yan.." Naningkit pa ang mata ni Rain sakin kaya nagtinginan silang lahat sakin.
"Alam niyo imagination niyo lang yan.." Tatawa-tawa kong sagot.