Nasa bahay ako ngayon at nagtatahi ng mga damit na dapat last week ay tapos na. Naku, mabuti nalang talaga mababait yung mga may-ari nito kasi nalaman nila yung kalagayan ni Mama kaya hindi sila nagalit kung hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos. Wala rin ngayon dito sa bahay si Lola kasi nandun siya kay Mama gusto niya raw makita si Mama kaya pianayagan ko siyang dun muna, nandun rin naman ang mga kaibigan ko kasi ang sabi nila wala daw silang pasok lahat today. Nung una nga nagtaka ako kasi hindi naman holliday ngayon pero wala silang pasok, but nevermind.It's my birthday today. Binati na rin ako ng mga friends ko at syempre si Trev, nagpadala pa nga ng bulaklak kaya ngayon ngiting-ngiti ako habang nagtatahi, parang tanga lang. Eh bakit ba? Masaya ako, eh.
Yun nga lang I'm kinda sad today.. kasi yung isa pang importante sa buhay ko hindi pa ako nage-greet eh. Si Mama.
I sighed. Nagiging okay na naman si Mama tinatanggap ng katawan niya ang mga gamot niya yun nga lang hindi pa rin siya nagigising, ni galaw ng daliri wala kaya hindi pa rin ako kampante. Pero alam ko naman na magiging okay siya, I need to look forward in that.. Hindi ko kasi kakayanin kapag pati si Mama..
My phone beeped..
Lucas John Z. Alcantara sent you a message.
Lucas? Alcantara? Hindi ba si Papa 'to? Why is he messaging me all of a sudden after 16 years of absence in my life.. Napangiti ako ng mapait at tinignan ang message niya.
Lucas John:
Happy 22nd birthday anak.. I missed you. I hear about your mom? How is she? Take care always.
May kiss emoji pa sa dulo akala mo naman talaga may pake sa akin.
Psh, heard about Mama? Kung kailan ang tagal na sa ospital saka lang mangangamusta.. Ano bang nakain nkiya at binati niya ako ngayong birthday ko? Noon naman kahit birthday hindi siya makapag reached out sakin. Muntik ko na ngang makalimutan na may ama pala ako.. kung hindi lang siya nagmessage ngayon at kung hindi kami mutuals ng anak niya sa social media.
Ang unfair nga.. ako updated na yata ako sa buhay niya dahil sa mga posts ng anak niay samantalang ako.. ni katiting sa buhay ko wala siguro siyang alam. Paano naman niya malalaman? Ni kamusta wala.. ni pag bati nung graduation ko nga nung high school at college wala.
Ewan ko ba. Bago maaksidente si Mama I asked her about Papa.. Tinanong ko kung bakit hindi na siya galit kay Papa dahil hindi kami ang pinili nito.. Sabi lang ni Mama hindi raw siya magiging maayos kapag hindi niya pa tinanggap kaya para makahinga na raw siya pinatawad na niya si Papa.
Paano kaya yun? Paano mo tatanggapin na yung taong pinag alayan mo ng buhay mo hindi na sayo? Hindi na ikaw yung mahal.. Hindi na sayo masaya. Hindi na ikaw ang nagpapangiti. Hindi na ikaw ang dahilan ng kasiyahan niya. Hindi na bumabagal ang ikot ng mundo pag nakikita ka. Hindi na kumikislap ang mata kapag kausap ka. Hindi na ikaw yung laman ng puso. At hindi na ikaw yung nakikitang kasama bumuo ng pamilya.
I always admired how braved my Mom is. Just imagine how much the pain she felt nung hindi siya, kami ang pinili ni Papa at yung sakit na tuluyan na niyang tanggapin na wala na talaga.
I'm not mad. Hindi ako nagtanim ng galit sa puso ko kay Papa, God knows that.. I love him and I will always. Kasi wala naman ako dito if not because of him and Mama.
Hindi ako nakaramdam ng galit pero sakit? Meron. Malalim. Malalim at pang habang buhay na sakit ang nararamdaman ko kay Papa. Sabi nila ang mga magulang raw puwedeng mamili ng mga anak.. pero ang mga anak hindi puwedeng mamili ng magulang.
I just wished puwede rin ako mamili because pipili ako ng Tatay na hindi ako ipagpapalit sa iba.
I smiled bitterly and type my reply.