"ANISSE..." Napalingon ako ng tawagin ako ng kaklase ko, si Leandra..Tinunghay ko siya at sumagot."Kilala mo ba yung mga transferee satin?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.
May transferee? Sino? Bakit parang wala akong alam?
"Huh?" Sagot ko.
"Huhtdog!" bara nito sakin kaya hinampas ko siya.
"Huhtdogin kita dyan! May transferee nga?!" Sabi ko.
"Kakasabi ko lang diba? Hello!? Earth to Anisse please! My god!" at hinawakan pa nito ang ulo niya na parang ang laking problema non. Napaka OA talaga ng babaeng 'to.
"Bakit may transferee?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang mga gamit ko.
"As if naman alam ko noh!" Asik nito sakin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
"Sobrang sarap mo kausap, Leandra! Sarap mo tuktukan sa ngala-ngala noh!" Asar ko sa kaniya. Hahahaha.
"Char lang naman. Alam mo ewan ko din eh. Nagtataka din ako kasi diba 4th year na tapos lilipat pa? E ang hirap-hirap mag adjust no, lalo na ang attitude ng mga tao sa paligid. Katulad mo." Sabi nito sakin kaya sinabunutan ko siya.
Indang-inda naman ang gaga.
"Ano? Masakit? Dale ka ng dale eh!" Asar ko pa.
"Kita mo na attitude talaga. Diyan ka na nga palibhasa inaway nanaman ng jowa! Che!" Asar nito sakin sabay umalis na. Epal talaga 'to ng taon!
Hay. First day na first day ganto. By the way, Hi! I'm Anisse. 18. 4th year. Yes po, opo. May jowa. Hehe.
Alam kong mag sasana-all kayo pero wag na kayo mag-abala, kasi hindi rin naman kami masaya. Haha!
Change topic. So ayon bakit nga kaya may mga transferee? Bakit dito nila napili? I mean maganda naman school namin pero maraming mas maganda..
Anyways.. Hayaan na nga sila. Sigurado naman akong wala din akong magiging kaibigan sa mga yon lalo na transferee.. Kadalasan sa mga transferee mga attitude eh, kasura. Haha. But it's fine.. Okay lang kahit mag-isa siguro hindi talaga para sakin yung mag karoon ng solid na friends/tropa.
Habang nag-iintay ng teacher namin kinuha ko muna ang cellphone ko para tignan sana kung nag message ba yung boyfriend ko..
Him: Malandi ka talaga no?
Him: Ano tatanggi ka nanaman?! May ebidensya ako, Anisse! Project project ka pang nalalaman ang sabihin mo malandi ka! Para kang nanay mo!
Him: Humanda ka sakin mamaya. Paulit-ulit ka ah.
I was stunned at the moment after I read his messages. What evidence is he fucking talking about?
Habang nag-iisip hindi ko mapigilan maiyak.. He's like this everytime we got into a fight. I don't know how or why he could do this to me.. Say shits like that..
Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko. I'm totally weak. Hindi naman siya ganon dati. Kaya nga niya nakuha yung loob ko kasi super bait niya and nung nagtagal he become like this..
Hindi ko alam if mahal niya lang ba ako o ano. He always hit me kapag nag-aaway kami but wala akong nagagawa para salagan yung sarili ko. Lagi akong mali. Lagi akong sala.
Pero hindi ko alam bakit sa kabila ng mga panananakit at panliliit niya sakin nananatili pa din ako.
Maybe because sa kaniya ko lang nararamdaman yung pagmamahal na palagi kong hinahanap.. Wala akong tatay. Pero may nanay ako. Pero madalas pakiramdam ko wala din eh. May iba na din kasi siyang pamilya. Kumbaga parehas sila ni Papa na ma sarili ng pamilya.