Naranasanan mo na bang magmahal?
E ang mahalin?Masarap no? Yung tipong matutulog at gigising kang masaya. Happily inlove ika nga.
Yung pakiramdam na kahit alam mo sa sarili mo na kulang ka pero hangga't nasa tabi mo yung taong nagpaparamdam sayo na buo ka okay lang.
Nandiyan siya kapag malungkot ka.
At dahil marupok ka.. Dahil palagi siyang nandiyan nahulog ka na.
Yung pagmamahal na lagi mong hinahanap.. lagi mong hinihingi.. Siya yung nagbigay.
Hanggang sa hindi mo na namamalayan dahil masaya ka sa kaniya, mas minamahal mo na siya sa sarili mo..
Kahit minsan dumadating ang mga araw na mas lamang ang tampuhan/away ayos lang... ang mahalaga pag gising niyo sa umaga mahal niyo pa 'rin ang isa't isa..
Ngunit sadya talagang mapag laro ang tadhana ano? Paglalaruan at paglalaruan ka. Susubukin ka ng susubukin hanggang sa ikaw na ang sumuko.
Dumadating sa point na sa sobrang pagmamahal mo hindi ka nalang TANGA, BULAG at BINGI ka na rin.
Nasa harap mo na pero umiwas ka pa. Narinig mo na pero binalewala mo pa.
Kasi ano?
"Mahal ko eh.."
Hanggang sa maubos ka. Walang matira sayo.
Hanggang sa masasabi mo nalang..
"Sana'y hindi nalang kita nakilala..."
*********
HELLO PIPS!!! I'm back. After weeks? or month of pag-iisip ng bubuin kong story ulit.. Finally! Nakabuo na! And SERIES pa ang ihahandog ko sa inyo.. Hahaha.
Sana suportahan niyo pa din ako sa pagtahak ng mga storyang bubuin ko. Samahan niyo akong matuto. Samahan niyo akong umiyak... Chos!
So ayon, series na nga po ang gagawin ko. Idk why after I finished my first story.. Dumagsa sa dm's ko ang request na bumuo ako ng series.. At eto na nga.
Ito yung first story..Opm Love Songs Series ito mga bhie. Mostly mga sad songs.. wala lang.. Gusto ko lang kayong saktan.. Hahaha. Joke lang.
Bunga ng mga imagination ko kaya isusulat ko nalang. Alam ko din na marami sa inyo ang makakarelate at may mapupulot na lessons here kaya why not diba?
Nagsusulat ako sa wattpad kasi... yung mga hindi ko kayang ivoice out sa ibang tao dito ko sinusulat.. My way of expressing all my feelings..
So ayon nga.. Sana support niyo pa 'rin ako! Maraming salamat.
Maraming maraming salamat and see you all sa mga susunod na kabanata.
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters,business,places,events and incidents are either product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
God bless everyone! :)
-Maye