Hapon nang magising ako. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa couch dahil ang huling natatandaan ko bago ako pumikit kagabi ay nayakap lang ako kay Mama. Walang tao sa room ni Mama.. ako lang at si Mama na nakahiga lang ang tao.Inayos ko ang sarili ko at hinanap sila Lola.. Lumabas ako para silipin sila at nandun nga.
"Ate is awake na, Papa!" Masiglang sabi ni Aly nang makita niya ako.
Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at tumabi kay Lola. Nag-uusap yata sila natigil lang ng lumabas ako.
"What happened to your eyes?" Biglang tanong ni Papa sa akin.
Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ng tipid. "Something happened, Pa.." sagot ko.
He was about to ask again pero nginitian ko nalang siya at nilipat ang tingin kay Lola.
Lola smiled to me. "Okay ka na ba, Apo?"
I sighed. "Trying to be okay, La.. but kailan po tayo aalis?" inikot ko ang mata sa kanila.
"Tonight." Papa exclaimed.
"Edi dapat mag impake na ako.." akmang tatayo na ako pero pinigilan ako ni Lola.
She smiled. "Okay na ang lahat apo. Aly helped packing our things. Pero huwag kang mag-alala ang mga importanteng gamit mo ay hindi namin pinakielaman." Nakangiti niyan sabi.
Napanatag naman ang loob ko at nag thank you kay Aly for helping Lola.
We spent the remaining hours na nag-uusap para sa gagawin namin once na naroon na kami. Aly will study her masterals there kaya siya sasama. Dad offered me to study rin pero I refused, hindi ko matututukan si Mama. Ayoko na ring iasa kay Lola ang lahat dahil matanda na rin siya baka mamaya hindi na niya kayanin. Papa and Tita Amalia promised us na hindi nila kami papabayaan kaya kahit papaano nabawasan na ang mga worries ko.
"Ate.." tawag sakin ni Aly.
Nilingon ko siya. "Oh, why?" tanong ko habang inaayos ang iba pang gamit ni Mama dito sa ospital.
"I saw you last night running... and crying?" Marahan niyang tanong.
Napatigil ako sa aking ginagawa at unti-unti siyang nilingon. "We broke up." Simple kong sabi.
Nanlaki ang kaniyang mata at hinawakan ang aking kamay. "Oh my God! For real? Bakit? How?!" Sunod-sunod niyang tanong.
I smiled. "Let's go out."
———
Dinala ako ni Aly sa isang coffe shop. Papa let us to go out dahil mamaya pa namang 10PM ang flight papuntang New York.
Si Aly na ang umorder at hinayaan ako na namnamin ang view na hatid nitong cafe.
Huminga akong malalim. Over na talaga? Wala na talaga? Tapos na talaga kami kagabi?
Natawa ako sa sarili ko. Kagabi ang tapang-tapang ko.. pero ngayon puro takot na yung bumabalot sa sarili ko. Miski ako takot para sa sarili ko. Sa nararamdaman ko.
"Ate." Aly called me kaya umayos ako ng upo.
"I brought coffees and cakes for us.." She said and smiled.
Tumango ako at kinuha ang kape at muling tumingin sa over view. We were silent for a moment when she decided to talk.
"If you're not comfortable talking about it, it's okay.." nakangiti niyang sabi.
Lumingon ako. "Nakabuntis siya."
Halos maibuga ni Aly ang kape niya kaya natawa ako.
Nanlalaki ang kaniyang dalawang maliit na mata. "What?! What the fuck? Totoo ba yan, Ate?" Sunod-sunod niyang tanong.