I was peacefully lying at my bed at binibigyan ng pahinga ang aking sarili dahil sa araw-araw akong pagod dahil sa trabaho at pag-aaral ko. Kakatapos lang din ng catch up namin ni Trev and some chikas from my friends na hindi ko na nasusubaybayan dahil nga sa kabusyhan ko sa business at pag-aaral pa. I'm graduating na din kasi. Actually lahat kami..Isang napakalakas at nakakabulabog na katok ang gumising sa ulirat ko nang gabing iyun.
"Anisse!" Si Lola yun. Kaya dali-dali akong bumangon at pinag buksan siya. Mukhang balisa si Lola at hindi maintindihan kaya mabilis na gumapang ang kaba sa akin.
"M-may p-problema po ba?" utal kong tanong.
She didn't respond kaya naalarma ako at inakay siya paupo at takbong nag tungo ng kusina para kumuha ng tubig. I caressed Lola's back, she's still crying kaya nataranta na ako.
"Ano bang nangyari Lola?" Naiiyak na tanong ko na rin dahil nasesense ko na talaga na masamang balita ito.
Wala na ding tigil sa pag ring ang cellphone naming dalawa ni Lola pero hindi namin iyun pinansin. Tumungo si Lola kaya hinawakan ko ang balikat niya.
"Lola what happened? Tell me, please.." sabi ko sa nagsusumamong boses.
"Apo.." usal niya.
"...... your Mama's in the hospital. Her car got hit by a 10 wheeler truck."
Parang nagslow mo ang paligid. Parang may nakabara sa aking lalamunan at nahirapan akong lumunok. Lola cried even more. Natulala ako sa sobrang gulat. What she just said? Si Mama... si Mama..
"Lola saang ospital?" wala sa sariling tanong ko.
She looked at me so much pity and pain. Iniwas ko ang aking tingin at tila nawalan ng tibok ang puso ko nang marinig ko ang susunod niyang sinabi.
"She's critical.." paos na sabi ni Lola at parang tumigil naman ang mundo ko.
Putangina. "Lola saang ospital?" Matigas kong tanong at tumayo para tumakbo palabas. Mabilis akong sinundan ni Lola. Halos sabunutan ko ang sarili ko at itapon ang lahat ng makita ko nang walang sasakyan ang dumadaan samin.
"Apo.. please calm down.."
Nilingon ko skiya at waalng tigil kakatulo ang aking luha. "How Lola..."
"How could I calm down kung may posibilidad na pati si Mama ay iiwan din ako..."
Naupo ako sa malamig na semento at umiyak ng umiyak. Dinaluhan ako ng aking Lola ngunit hindi iyun naging sapat upang tumigil sa pag iyak ang aking puso..
Umiiyak kaming dalawa ng biglang may dumating na kotse sa tapat namin.
"Oh my god, Anisse.." mabilis na tumakbo palapit sa akin si Tita Anj at niyakap ako. Nahagip naman ng aking mata na kausap ni Trevor ang aking Lola.
Umiyak ako ng umiyak habang yakap ako ni Tita Anj na hindi ko na namalayan na nasa kotse na pala kami.
"Sshh, everything will be okay 'nak.." alo nito sa akin.
"Tita.. hindi puwedeng mawala si Mama.." humahagulhol kong sabi.
Umiling ito at mas kinabig ako. "Hindi mangyayari yun. Malakas ang mama mo." Sabi niya.
Nagtama ang paningin namin ni Trev at malungkot niya akong nginitian.
Pagkababa pa lang ng sasakyan ay tinakbo ko na ang loob ng ospital.. naabutan kong naroon na ang mga kaibigan ko at kayulad ko ay namumugto rin ang mga mata nila.
"Anisse..." tawag sa akin ni Caludine a mabilis nila akong dinaluhang apat.
Niyakap nila ako pero parang wala akong lakas na yumakap pabalik dahil lahat ng lakas ko ay natunaw dahil sa kalagayan ni Mama.