Kabanata 2

35 12 4
                                    




"HUY, Rain!!" Madaling tawag ko kay Rain pag ka upo ko palang sa aking upuan. Madali kong hinanap ang reviewer ko dahil may quiz kami ngayon, hindi ako nakapag review kagabi kasi abala ako sa pagwawattpad. Hehehhehehe.

"Ano nanaman Anisse? Oo na pupunta tayong canteen." Sagot nito sabay tayo. Gusto ko sanang tumawa pero 10 mins nalang may quiz na kaya mamaya nalang..

"Baliw hindi! May quiz tayo diba?"

"Luh oo nga!" Sagot niya 7kaya nagkatinginan kaming dalawa..

"Nag review ka?!" Sabay naming tanong sa isa't isa kaya napakamot ako sa ulo ko. Ano ba yan.

"Hindi ako nakapag review, busy ako.." Sagot ko.

"Busy sa pagwawattpad.. okay lang yan nawili din ako mag Kdrama kagabi. Hehehehe."

"Pano na yan? Ayoko mababa score ko don alam mo naman na napakasungit ng teacher natin don?" Problemadong sabi ko.

"Edi sana nagreview ka kagabi letche ka!!" Galit na sabi ni Rain kaya natawa ako ng malakas. Galit na galit lagi gusto manakit. Hahahaha.

Tumatawa ako ng malala ng magsipasukan sa room yung tatlo.

"Oh bakit ganyan nanaman itsura nyan?" Tanong ni Hopie at nginuso si Rain na nasa tabi ko na salubong na salubong ang kilay..

Hindi ako sumagot at tumawa na lamang kaya napailing yung tatlo.

"Ang aga mo mambwisit Anisse.. Hahahaha tignan mo itsura ni Rain galit na galit." Natatawang dagdag naman ni Claudine habang nakatingin sa busangot na busangot na mukha ni Rain.

"Ano nanamang pambwibwisit ginawa nito sayo Rain?" Tanong ni Rae sa kaniya.

"Pano nagrereklamo na baka bumagsak daw sya sa quiz mamaya eh kagabe hindi niya nagawang mag review! Nag wattpad lang ang gaga!" Inis na sabi ni Rain sabay irap sakin.

"Hoy ang kapal ng apog mo Rain, hindi ka rin nagreview! FYI! Nag Kdarama ka lang kagabi!" Singhal ko din kaya nagtawanan sila.

"Atleast hindi ako nagreklamo na baka mababa yung quiz ko mamaya duh!"

"Alam niyo kung nababarayan ang pagiging galit palagi siguro milyonarya na yan si Rain eh.." Seryosong sabi ni Rae kaya nagbulaslasan kami sa pagtawa lalo na sa reaksiyon ni Rain..

"Ano!!?"

"Oh kita mo na galit agad.." Sabi ni Rae kaya lalong nagtawanan, lalo tuloy umasim ang mukha ni Rain..

Okay lang yan hindi naman pikon yan si Rain, mukha lang lagi yan galit pero mabait yan. Hindi lang siguro halata minsan..

By the way, 2 months had passed since our class started. Gaya nga ng inaasahan ayon nga naging close nga kaming apat.. Sa loob ng dalawang buwan parang pakiramdam ko 4 na taon ko nang kakilala tong apat na 'to.. Ewan ko basta ang gaan ng loob ko sa kanila.

Siguro kasi marami din kaming pinagkakasunduan. Masaya din ako na naging kaibigan ko sila kasi nagkaroon ako ng comfort zone sa kanilang apat. Katulad nalang kapag nagkakaproblema ako sa bahay at tsaka sa sitwason namin ni James, sa kanilang apat ako tumatakbo..

Ngunit lingid sa kaalaman nila yung mga pinag gagawa sakin ni James, ayokong sabihin..

Ayoko sumama ang tingin nila sa kaniya.. Maige na siguro yung mga good sides nalang niya yung alam nia para less gulo..

Oo minsan napapaisip din ako bakit ko hinahayaan na ganituhin ako pero ewan ko..

Nakakatanga nga talaga siguro.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon