Kabanata 18

9 3 0
                                    


Graduation Day

THE past months ay naging busy kaming lahat lalo na kaming mga fourth year dahil nga sa paghahabol ng mga requirements para sa graduation.. masaya siya na nakakapagod kasi sobrang daming pinagawa pero solid kasi kasama ko sila Rain at si Trevor. Naging masaya kami ni Trev. Hindi man kami nakakalabas since busy nga kami pareho pero palagi siyang pumupunta sa bahay o ako sa kanila para sabay namin gawin yung mga requirements namin.

Mabait yung family niya sakin parang feeling ko nga meron na akong pangalawang pamilya sa kanila. Haha! Magtatatlong buwan na kaming in a relationship ni Trev and I'm the happiest dun sa loob ng tatlong buwan na yun. Sobrang bibihira talaga kami magtalo kasi lahat ng bagay napapagkasunduan naming dalawa.. kapag pinagbibigyan niya ako ganun din ako sa kaniya. Kasi sabi niya ayun daw yung best way para ma lessen yung pag-aaway. Ayaw niya rin daw ma stress ako.. kavough! Ganda ko kasi eh! Char.

Samin naman ng mga kaibigan ko mas naging close na talaga kami sobrang dalas din nila mag sleep over sa bahay.. inuman tapos gagawa ng kung ano-anong requirements namin. Sobrang saya talaga.. ang perfect ng buhay ko ngayon. Si Mama din tuwang-tuwa sakin kasi gra-graduate na akong HighSchool na may achievements. Masaya ako na natupad ko yun kasi para kay Mama at Lola yun para hindi nila isipin na hindi sayang yung pag papa-aral nila sakin at gusto ko maging proud sila sakin.

I couldn't ask for more. Hindi ko na nga naiisip minsan na wala akong tatay sa sobrang daming pagmamahal na yung natatanggap ko. Ayoko na siyang hanapin kasi nandito naman sila Mama, sila pa lang nag uumapaw na yung saya sa puso ko at kontento na ako doon.

"Anak bumaba ka na diyan nandito na sila Rain.." Sigaw sakin ni Mama kaya nagmadali na ako sa pag-aayos. Na kay Mama naman ang toga ko kaya bag nalang ang bitbit ko ngayon. Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at huminga ng malalim.

Lumabas na ako. Nasa pinto palang ako rinig na rinig ko na ang ingay ni Rae sa sala.

"Wag ka magulo! Matatanggal yung fake lashes!" Singhal ni Rae kay Hopie na tawa lang ng tawa sa kaniya. Lumipit naman ako sa kanila at nakiupo din.

"Ano nanaman ang pinag gagawa niyo?" Natatawa kong tanong sa kanila habang nag susuot ng sapatos.

"Wala ka na don." Sagot sakin ni Hopie kaya inirapan ko siya. Hahahaha. Nag aayos pa sila ng make up, ewan ko ba diyan kay Hopie maalam naman yan pero ngayon inaalila si Rae.

Wala si Trevor dito.. dun nalang daw kami sa school magkikita. Pero ito sila Rae, hindi ko alam bakit sila nandito eh dapat mga pamilya nila kasama nila. Pero maige na din 'to kasi makakapag picture na agad kami na hindi kami haggard.

"Let's go girls! Arat na!" Sigaw ni Claudine kaya napaigtad kaming lahat at pinakyuhan siya. Gago kasi nang gugulat. Tumawa lang naman siya at nauna na lumabas. Nasa labas na rin sila Mama at Lola at wag ka kavough nanaman kay Lola.. Hahahaha! Syempre mas maganda pa siya samin akala mo siya ang magtatapos pero pag bigyan na.

Lumabas na din kaming apat. Nagpapataasan pa kami. Hahahaha. Pero talo talaga sila samin ni Hopie. Hahaha. Lalo na si Rain! Hindi nga ata umabot ng 150 ang height non eh! Hahhaahhaa Char! College na yan ah.. pero pang grade 6 ang height. Hahahhaa Char!

Nagpicture muna kami sa may gate at dun sa harap ng sasakyan. Syempre arte muna kami. Meromg nakangiti, naka wacky, magkakaakbay, tapos kunware nagtatawanan.. tas yung nakataas yung kamay. Parang tanga lang. Hahahahah!

Sumakay na kaming lahat sa van nila Rain. Hindi kotse yung dinala kasi hindi kami kasya dun noh. Hindi pedeng magsiksikan kami dahil mabubura ang mga peslak namin. Hahahaha.

Sa sobrang excited naming lima nakalimutan na namin yung mga gagawin mamaya.

"Teh kinakabahan ako baka matawag ako sa mike kasi mali ginagawa ko.." Kabadong sabi ni Claudine. Hahahaha. Yan kase.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon