Kabanata 16
NOONG una wala akong pakielam. Masaya lang ako. Masaya ako sa mga pinag gagawa ko. Masaya ako na yung mga dating inaapak-apakan ako e ngayon nirerespeto na ako. Lumipat ako ng school after ipakita sa kanila kung ano na ako ngayon. Nasatisfied ako." Nakangiting sabi niya.
"Not until makita ko ulit siya. Gusto kong isipin na sinundan niya ako. Kasi masarap pala sa pakiramdam mag assume?" Tatawa-tawa niyang sabi kaya natawa din ako.
"Sinubukan kong kausapin siya. Ang kapal pa ng mukha ko nun.. wala akong pakielam kung ano yung nagawa ko sa kaniya noon. Pero tangina alam mo? Parang nanliit ako sa sarili ko ng makausap ko siya. Hindi na din siya katulad ng dati." Hilaw ang ngiti na ginawad sakin ni Rae.
"Nahurt ako. Dun ko naramdaman na mahal ko pala siya.. kailangan ko pala siya. Hahahaha! Pero wala na.." Tuluyan na siyang umiyak kaya hinilig ko ang ulo niya sa balikat ko at tinapik-tapik siya.
"At ang mas masakit pa mayron ng iba." Mas lalo siyang umiyak kaya naiyak na din ako. Huhu. Naman eh.
Hindi ko alam kung ako lang pero basta kada may umiiyak kang kaibigan o kahit sino.. maiiyak ka nalang din. Kahit naman hindi ka broken, malungkot o ano basta nakikigaya ka lang na umiyak.
"Masama ba yun? Masama bang hilingin ko na kahit anong nagawa ko sa kaniya gusto ko ako pa rin?" Tanong niya sa akin. Matagal bago ako nakasagot.
"Hindi ko alam. Pero sa tingin ko hindi.. depende kasi yan sa tao. Depende kung gaano kalaki ang puso nila.. kung gaano ito kabuti at kung gaano kalawak ang pang-unawa nila. May mga tao kasi na pag nasaktan mo.. hindi na sila ulit tataya sayo. At hindi mo rin sila masisisi dun. May mga tao din na kahit gaano mo na sila nasasaktan ikaw pa din ang patuloy nilang pipiliin." Mahabang paliwanag ko sa kaniya.
"I'm torn between hayaan nalang siya kasi kasalanan ko naman and habulin siya kasi mahal ko naman siya kahit may iba na." Sabi niya.
"Kung may iba na hayaan mo na. Kahit anong nagawa mo sa kaniya na ikina sakit niya hindi naman ibig sabihin non na deserve mo ring masaktan.." Nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Pero okay lang.. Kung saan siya masaya... masaya na din ako para sa kaniya." Sabi niya kaya napaismid ako.
"Lol. Hindi yan totoo. Paano ka magiging masaya para sa kaniya kung hindi naman ikaw ang kasama niya?" Sabi ko kaya napatungo siya.
"Hindi ka masaya. Pipilitin mo lang. Gugustuhin mo lang kasi wala kang choice. Tama?" Sabi ko. Tumunghay naman siya at tumango sakin.
"That's okay.. magiging okay ka din.. In time Rae.. in time. Be patient with yourself. Cry when you feel like. It will help you, promise." Nakangiting sabi ko at niyakap siya.
"Hoy gago kayo akala ko nasa bahay na tayo.." Parehas kaming nagulat ni Rae ng may magsalita sa likod. Si Rain pala.. nagising na. Nagkusot pa siya ng mata. Nagkatinginan kami ni Rae at natawa.
Tumayo na kami ni Rae at pumasok na sa sasakyan. Ramdam ko na rin yung pagod at antok. Sumakay na kami ng sasakyan.
"Ano nanaman pinagchichismisan niyong dalawa? Bina-backstab niyo nanaman ba kami?!" Kunwari galit na ani Rain kaya binato ko siya ng tissue. OA nanaman ang letche. Hahaha.
"Ang ingay mo. Mamaya sampalan nanaman kayo diyan pag nagising yang dalawa.." Tatawa-tawang sabi ko kase nakita kong gumalaw si Hopie at Claudine dahil sa lakas ng boses ni Rain.
"Agang-aga akala mo nasa palengke ka Rain.." Reklamo ni Claudine. Sabe sa inyo eh.
"Sorry ah? Pasensya ka na ha, God bless." Sabi nito at nagtawanan kami.