NAKAUWI na ako sa bahay. At gaya ng araw-araw na senaryo na lagi kong naabutan. Nakaupo sa sahig si mama, nagkalat ang mga alak at pagkain na naubos at natapon na. Lasing nanaman siya.Ano pa bang bago?
Mabilis akong pumasok sa loob at isa-isang pinulot ang mga kalat kahit na basa pa ako ng ulan.. Wala ng pake kung magkasakit man kinabukasan. Wala namang mag-aalala.
"Ohh nandito na pala ang magaling kong anak..." Sabi ni mama habang tinuturo ako.
Hindi nalang ako umimik at pinagpatuloy ang pagpupulot ko ng basura..
"Ano? Nagbigay na ba ng pera ang ama mo?" Tatawang sabi nito pero sa mapait na paraan. Iiling-iling na lamang ako at hindi na pinansin yon.
"Ano hindi ka nanaman sasagot!?"
"Mama.."
"Ano nagbigay ba!?"
"Hindi po."
"Kahit kailan talaga wala siyang kwenta! Binigay ka sakin tapos hindi ka man lang susustentuhan! Pabigat ka pa sakin.." Inis na inis na sabi niya.
Sanay na ako. Lagi naman ganiyan. Walang imik yan si Mama kapag wala siyang tama ng alak pero kapag meron, palagi kong naririnig yung mga ganiyang salita sa kaniya.. Araw-araw naman siyang lasing. Kaya nasasanay na rin ako sa mga sinasabi niya sakin palagi.
"Bakit kasi ayaw niyang dun ka tumira sa kaniya.. Aanak anak tapos ayaw panindigan.. Tangina. Kapagod na 'tong buhay na 'to.." Huling mga salita na binanggit ni mama bago siya nakatulog sa sahig.
Gaya nga ng sinabi ko, hiwalay na mga magulang ko. 2 years old palang ako ng maghiwalay sila. Pano ko nalaman? Araw-araw ba naman ipamukha sakin ni mama, talagang tatatak sa isip ko.
Nung una masakit. Kahit sino naman siguro. Wala ka nang tatay. Sumakabilang bahay na. May nanay ka nga. Kasama mo araw-araw pero hindi mo ramdam. Kasi ang pinaparamdam sayo isa kang mabigat na obligasyon na napipilitan siyang akuin kase wala siyang choice. Ganon.
Kaya siya araw-araw siguro naglalasing dahil dun. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sinisisi ako ni mama na wala na sila ni Papa.
Parehas kami. Sinisisi ko din talaga yung sarili ko sa hindi ko din malamang dahilan.
Nakakausap ko naman si Papa pero hanggang kamusta lang. May iba na kasi siyang pamilya.
Pakiramdam ko kada mag-uusap kami tapos nandoon yung mga bago niyang anak nanlilimos lang ako ng atensyon at pagmamahal niya..
Kaya hangga't kaya ko tiisin na wag makipag-usap sa kaniya ginagawa ko kasi ayon nalang yung tinitira ko sa sarili ko.. Yung wag ko maramdaman na nanlilimos ako ng atensyon nila..
Masakit syempre. Lalo na nung una. Lumaki ako na sarili ko lang sandigan ko. Ako lang nag-aalaga sa sarili ko. Ako lang nagcocomfort sa sarili ko. Wala akong kapatid. Wala akong kahati sa sakit na nararamdaman ko. Solong-solo.
Pero habang lumalaki ako at nagkakaisip, hindi ko na yun pinoproblema. Kasi ano pang magagawa ko? Wala na eh. Sobrang labo na.
Dumadaan yung mga birthday, pasko at new years na wala akong kasamang mama at papa. Pero kahit ganon, wala akong pagtatampo na nararamdaman sa kanila. Kasi naiintindihan ko. Ayon ang kinaiinis konsa sarili ko, palagi ko nalang naiintindihan ang mga bagay.
Pero wala eh. Siguro ganon talaga kapag maagang pinaranas sayo ng mundo yung pait no? Maagang namumulat yung mata at isip mo sa realidad.
Pero pag tinatanong ako tuwing birthday ko, kung ano daw wish ko?