Kabanata 10
PAPASOK na ako ng school ngayon kaya lang hinihintay ko si Mama kasi sabi niya ihahatid niya ako hindi ko naman alam kung paano kasi wala naman kaming sasakyan? O gusto niya maglakad kami papuntang school? Hindi ko alam kung anong trip ng nanay ko pero since nagpunta siyang Manila mabait na siya sakin... Mabait naman talaga siya ibig kong sabihin mas ngayon. Showy siya. Parang pakiramdam ko gusto niya na magkalapit ang loob namin.
"Suzanne bilisan mo na at mahuhuli na ang anak mo sa school.." Tawag ni Lola kay Mama kasi nasa kwarto pa rin ito. Nginitian ko naman si Lola para iparating na ayos lang yun baka mamaya mag bago pa ang isip ni Mama. Sayang naman. Haha. Syempre ngayon niya lang ginawa 'to eh.. ever since wala.
"Sandali lang Anisse.." Pasigaw na sabi nito kaya napatawa kami ni Lola. Ano naman kaya ang ginagawa ni Mama doon? Makalalipas ang ilang minuto ay lumabas na din si Mama. May dala siyang box.. parang regalo kaya nangunot ang noo namin parehas nila. Nagkatinginan kaming tatlo.. tumikhim si Mama bago iabot sa akin yung box..
"Sakin?" Takang tanong ko. Nag iwas ng tingin si Mama bago tumango kaya dahan-dahan akong tumayo para kunin yon.
"Para saan po? Ano po 'to?" Tanong ko pero nag kibit balikat lang si Mama at sinenyas na buksan ko.
Kahit nagtataka ay binuksan ko yon. Ang daming tape.. parang ayaw ipakita. Hahaha chos! Nang mabuksan ko na ay laking gulat..
"Hala.. para saan 'to Ma?"
"Sayo. Nakita ko ganiyan na yung cellphone nila Rae kaya binilihan din kita." sabi niya pero hindi tumitingin sakin.
Binilihan ako ni Mama ng IPhone... kagaya ng cellphone nila Rae.. Omg.. How to calm?!
"Mahal 'to eh.. Bakit ma?" Naiiyak na tanong ko kasi matagal ko na gusto nito kaso hindi naman ako makapag ipon at hindi ko rin naman ugali na manghingi kahit kay mama o kay Lola pa.
"Advance gift sa moving up." Sabi niya.
Natigilan ako.. pero tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya. OA man pakinggan pero hindi lang 'to about dun sa cellphone.. May nafefeel akong iba.. parang may nagbago at masarap yun sa pakiramdam. Nagulat si Mama sakin kaya hindi agad siya nakapag react pero kalaunan yumakap din siya at tinapik-tapik ang likod ko kaya lalo akong naiyak. Lola chuckled before siya makiyakap samin. Ang ending group hug.. ang sarap pala sa pakiramdam.. Ngayon lang 'to.
Nang makarelease sa yakap ay ngiting-ngiti ako kay Mama.. ganon din naman siya. Hindi ako makapaniwala talaga.. ano bang hangin ang meron sa pinuntahan niya at bigla siyang naging ganito sa akin?
"Tara na." Yaya niya tapos kinuha ang bag niya at humalik kay Lola. Kinuha ko na din ang gamit ko at humalik din kay mama tapos sumunod na kay Mama sa labas.
Lalo akong nagulat pag labas ko. May kotse! Ang pagkakatanda ko wala kaming kotse kaya kanino yan?!
"Luh kanino yan? Dito pa talaga nag park sa tapat ng gate natin." Iritadong sabi ko pag kasara ko ng gate.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Mama kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sakay na." Utos niya na kinatigil ko.
"Po? Saan?"
"Sa sasakyan 'nak." Sagot niya na mas kinatulala ko.
Ha??? Did she just call me 'nak'?????? Promise... nag memelt yung puso ko. Oh my g for the 18 years ngayon ko lang narinig yon.
"S-satin y-yan Ma?" Utal kong tanong at lumapit dun sa sasakyan.
"Oo. Sayang naman yung pagtratrabaho ko kung wala akong maipupundar diba?" Nakangiting saad niya habang nakatingin sa sasakyan.