Kabanata 7

20 7 1
                                    

Kabanata 7

NAGISING ako ng may kumatok sa kwarto ko.

"Anisse anong oras na! Bangon na may bisita ka.." Si Lola.

Agad akong napabangon sa kama matapos niyang sabihin yon. Awit, sinong bisita? Wag naman sana yung ex ko. Ayokong umaga palang sira na.

Mabilis kong dinampot ang tuwalya at dumiretso na sa banyo para maligo.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na din ako pero may tapis pa sa buhok. Haha. Sino naman kaya ang bisita ko? Wala naman akong pinapapunta dito.

"La sino pong bi---"

"Kami." Si Claudine, Rae, Rain at Hopie. Nakaupo sa table namin at kumakain.

"Anong ginagawa niyo dito? Ang aga pa." Sagot ko at naghila ng upuan sa tabi ni Claudine.

"Masama bang pumunta dito?" Sagot ni Rae habang kumakain ng itlog.

"Bakit ang aga niyo?" Tanong ko ulit.

"Bakita ng dami mong tanong?" Si Rain.

Yung totoo? Normal ba itong mga kaibigan ko?

"Kumain ka na diyan at maligo na baka malate pa tayo." Sabi sakin ni Claudine kaya hindi ko na sila pinansin at kumain na nga.

Nakatapos na akong maligo at ngayon ay paalis na nga kami papuntang school. Ewan ko ba sa kanila bakit nila ako sinundo pero ah natouched ako dun. Hehe.

"Lola alis na po kami.." Paalam namin.

Tumango lang at ngumiti si Lola kaya umalis na kami.

Nasa sasakyan na kami ni Hopie. Lately palagi nang dala ni Hopie 'tong sasakyan niya dati naman hindi ih.

"So bakit niyo nga ako sinundo?" Tanong ko ulit. Nasa unahan ako sa tabi ni Hopie kaya lumingon pa ako sa likod para makita sila.

"Seriously?" Tanong ni Rain sakin kaya kumunot ang noo ko. Ano ba yon?

"What?"

"Wala ka talagang alam?" Ulit ni Rae.

"Gaga ka ba? Magtatanong ba ako sayo kung may idea ako?" Sagot ko.

"Okay girls, wala nga siyang alam." Sabi niya.

Teka? Ano ba yon? May nangyare nanaman ba?

Natigil ang pag iisip ko ng marinig ko ang malakas na buntong hininga ni Claudine.

"What?"

"Hindi ka pa nag oopen ng socmed?" Tanong niya.

Umiling ako at sumagot, "Hindi pa."

"That's why." Singit ni Hopie.

"Edi sabihin niyo na." Iritadong sabi ko.

"Nagkakalat sa socmed si Leandra.." Rain said.

Naningkit ang mata ko sa kaniya. Ano nanamang pinagsasabe ng babaeng yun?

"Ano nanamang kagaguhan ang ginawa nun? Hindi na ba talaga siya nahihiya?" Inis kong tanong at nag katinginan yung apat.

Okay, What now?

"She's spreading rumors about you... and your mom." Parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Rain at matik kong kinuha ang cellphone ko to confirm it.

Sakto naman pag open ko ng Facebook ko ay unang-una ang status ni Leandra.

"Pasalamat ka hinayaan kong dumapo ang madudumi mong kamay sa mukha ko. Pero wag ka pakasigurado girl, intayin mo naman ang akin." At may wink emoji pa.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon