Kabanata 9

19 5 0
                                    

Kabanata 9



NAGISING ako na ang sapo-sapo ang ulo ko.. grabe parang pinompyang yung ulo ko. Ramdam na ramdam ko yung tibok. Pakshet na yan, inom pa.. Tumayo ako at tinignan yung mga kaibigan ko. Awit.. Nandun pa din sila sa pwesto nila kagabi... si Hopie nasa cr pa rin, si Claudine nasa baba tapos si Rain ganon pa din yung ulo nasa baba ng kama tapos yung paa nasa kama. Hahahahaha anak ng tokwa. Dahil mabait na ako hinila ko na si Rain sa kama. Gumalaw naman siya pero hindi nagising. Lasing eh.

Tumayo na ako at naghilamos muna.. magluluto ako syempre mamaya pag gising ng mga yan maghahanap ng pagkain. Kala mo mga taga dito eh. Hahaha.

Umilaw yung cellphone ko kaya kinuha ko muna. Hindi naman ako ang drunk text o call kagabi no? Natulog na ako eh. Naiwan pa nga sa dibdib ko yung cellphone ko.

Nag text pala si Mama kagabi pa kaso hindi ko na nareplyan.

Ako: Opo, Ma. Nandito pa sila Rain. Ingat din po kayo.

Reply ko. Papatayin ko na sana kaso nakita ko sa recent used app ko yung Messenger. Wtf? Nag messenger ako kagabi? Oh my G.

"PUTANGINA!!!!!!" Sigaw ko nang mabasa ko ang convo namin ni... ni Trevor!!! Gago!!

"Ugh.. gago ka Anisse ang aga sumisigaw ka!" Asik sakin nila Rain.. Nagising sila sa sigaw ko.

"T-tangina." Tarantang sabi ko at ni-try iunsent message kaso useless na! Nakita na niya 'to eh! The f! Ang kalat!

"Ano ba kasi yon? Grabe.. sakit ng ulo ko." Sabi ni Hopie habang hinihimas ang ulo niya.

"Nag drunk chat ako. Gago.. nakakahiya!" Naiiyak na sabi ko sa kanila. Kung pwede kainin na ako ng lupa now na!

"Kanino?" Sabi ni Claudine.

"Kay Trevor.." Mahinang usal ko.

"Hahahahahahahahaha." Mahabang tawa nilang tatlo kaya lalo akong ginapangan ng hiya. Tangina sa lahat ng tao bakit ayon pa? Bwisit!

"Patingin nga.." Tatawa-tawang sabi ni Rain kaya binigay ko sa kanila ang cellphone ko. Tangina talaga.. kung ano anong kakalatan na nga sinabi ko jejemon pa yung typings! Double kill! Nakakahiya!

"Putangina.. HahahahahahHaha." Mahabang tawa ni Claudine at may pahawak pa sa tiyan.

"Tangina niyo kasalanan niyo 'to nag inom kasi!" Angil ko sa kanila.

"Why naman gusto ni Trevor magpa kagat kay Anisse?" Tawang-tawang usal ni Rain kaya nagtawanan silang tatlo. Gago ang sama. Ang kalat!

"Sana all tinawag na ganda.." Gatong pa ni Hopie kaya pinagbabato ko sila ng unan.

"Crush naman pala! Ang ganda mo crush ka daw!" Asar pa ni Rain. Bwisit! Buti sana kung dun lang kaso sumagot din ako!

"Okay lang yon girls hindi naman na basted si Trevor kasi sumagot din si Anisse,"crush din kita." Yie!!" Maarteng sabi pa ni Claudine at ginaya pa ang boses ko.

"Bakit ko ba nasabi yon?!" Frustrated na sabi ko. Napapasabunot nalang ako sa ulo ko.

"Pero crush mo nga?" Seryoso kunwari na tanong ni Hopie pero halatang-halata na nagpipigil ng tawa. Bwisit.

"Hindi!" Depensa ko at napa "ows" naman yung tatlo. Duh! Hindi ko yon crush! Oo gwapo siya pero hindi naman ako attracted sa gwapo.. sa mabango pwede pa.. E kaso mabango din si Trevor eh. Hahaha joke.

"Mama mo hindi! Hahahaha. Ano ba yan kakabreak lang may bago na agad. Tsk tsk." Iiling-iling pang sabi ni Rain.

"Siraulo. Anong bago? Bakit jowa ko ba yan?! Hindi naman." Sabi ko.

Sana'y Di Nalang (OPM #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon