Pinauwi ko na sila Rain dahil lahat sila ay may trabaho kinabukasan. I did not tell them that I'm leaving.. I think it's for good. Ayoko na rito.. puro sakit nalang ang nararanasan ko. I want to start a new life.. with my family.It's 12 AM and I still can't sleep kahit ramdam na ramdam ko na ang pagod sa buong katawanan ko. Emotionally and physically I'm drained. My head can't stop thinking so is my heart.
My phone beeped. I smiled bitterly nang makitang si Margaux yun. Why does she needs from me? I already giving him what she wants from the first place, Trevor.
Margaux:
Can we talk? I'm in the park beside the hospital.
Kahit may kasalanan na siya sakin parang inuutusan niya pa rin ako palagi. Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Hindi sinasadya? Fuck, may ganon ba? Syempre sinadya yun.
Nag jacket ako at lumabas na. Inayos ko muna ang higaan ni Lola at chineck si Mama bago tahakin ang daan papunta sa park.
Umupo ako sa bench at hinintay na lumapit sa akin si Margaux. I know she's here. Sa lakas ng kamandag niya ramdam na ramdam ko yun.
Maya-maya lang ay umupo na siya sa tabi ko. She's fully covered. Nahagip din ng mata ko ang baby bump niya kaya hindi ko maiwasan ang pag usbungan ng galit.
"What do you want?" I ask.
Napalunok siya. "Look, I'm sorry."
Ngumisi ako. "You're sorry? Really?" tatawa-tawa kong tanong.
"Seriously? Of course! Alam mo this is your fault naman eh!" She exclaimed kaya napatayo ako.
"What? The? Fuck? Kasalanan ko? Ako ba ang bumukaka para sayo?!" Sigaw ko sa kaniya.
Napapikit siya. "You're always out! Trevor needs you too but you were always no where to found!" Sigaw niya rin.
Tinamaan ako roon pero ngumisi ako. "Kaya sinalo mo? Kaya sinamantala mo?" Nakangisi kong tanong.
Nanlaki ang mata niya at sinampal ako. Anong kapal ng mukha ba ang mayroon ang babaeng 'to at ako pa ang sinampal niya?!
"You didn't understand! Trevor needs you! He fucking needs you! He's struggling like you pero lahat! Lahat sila sayo lang nakatutok! Ikaw lang ang iniintindi! Kaya nandun ako! Nandun ako para sa kaniya! Kasi yung girlfriend niya na dapat nandiyan para sa kaniya is wala!" Sigaw nito.
Hindi ako nakapag salita. Nasasaktan ako pero hindi ko pinahalata sa kaniya. "Kasama ba sa pag damay mo ang pag papabuntis mo? Ano yan freebie?"
That hit her. "Oo! Dahil gusto ko sa akin nalang siya! Dahil pag sa'yo nasasaktan lang siya! Hindi mo siya inaalagaan, Anisse! Lagi siya lang ang gumagawa nun sa inyo!"
"Wala kang alam." I said.
"No! Yan ang alam mo but I know it all! Trevor tells me everything! And guess what?" Siya naman ngayon ang nakangisi habang ako ang nakakunot ang noo.
"Mas mahal na niya ako kaysa sayo.."
I smirked. "Baliw ka na." Tatalikod na sana ako pero hinila niya ako.
"Iiwan ka niya para sa akin at sa baby ko! Iiwan ka na niya! Do you understand t-"
"Putangina, Oo! Intinding-intindi ko! Kitang-kita ko! Puwede ba?! Tama na. Tama na, pakiusap lang.." sigaw ko sa kaniya. Nagtuluan na ang mga pinipigilan kong luha.
"Ayan na nga oh! Ibibigay ko na sayo, sayo na.. isaksak ko sa baga mo! Tangina niyong dalawa!" Sigaw ko ulit. Aalis na sana ako pero hinila nanaman niya ako kaya nasampal ko siya ng paglakas na bumagsak siya.