Marahil sa'yong paglalakbay nang payak,
marami kang madaanang lubak.
Hindi lagi't lagi ay patag,
ngunit patuloy kang maglagalag.
Kasama ang mga bitbit na maleta
at suot ang damit na may mantsa,
hayaan ang sariling mga paa—
maglakbay nang mag-isa,
at huwag lang basta magpadala.
Maaari kang maligaw paminsan;
maaaring malito sa tinatahak na daan.
Lahat ng ito'y kasama sa byahe—
sakay ng 'yong sariling karwahe.
Magpatuloy sa'yong nilalakaran
patungo sa ninanais puntahan—
siyang magsisilbing tahanan;
siyang magiging dahilan ng pagtahan.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!