Humakbang Palayo

10 0 0
                                    

ikulong ang sarili mo rito.
hindi mo dapat
ihakbang ang mga paa palayo.
habang maaga pa ay
huwag na;
manatili pa.
huwag basta-bastang
umalis na lang bigla.
ang haba na ng panahong inilaan mo rito.
hindi basehan
kung hindi ito ang kaligayahan mo.
hayaan na pilayan ka nito,
at huwag
magtangkang lumaya sa oras—
hindi mo ito gusto.

(BASAHIN MULI PAITAAS)

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon