Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Wala sa likod, wala sa harap
Pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo
Ikaw ba ay totoo sa mata ng mundo?Sino ka nga ba sa likod ng kamera?
Sino ka nga ba kapag walang nakakakita?
Ilan ba ang suot mong maskara?
Sino ka ba sa sarili mong mga mata?Pamilya, kaibigan, kamag-aral, lipunan
Sukatan ba ito ng mga kakayahan?
O mahalaga pa rin ang pagkakakilanlan?
Ano nga ba ang mas matimbang?Ang imahe mo sa iyong sarili,
O ang sa iba at ang kanilang mga sinasabi?
![](https://img.wattpad.com/cover/219901518-288-k71702.jpg)
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!