Life After Death

17 0 0
                                    

Para akong nagising
mula sa isang bangungot
nang tuluyan kang pumikit
at hindi na muling dumilat pa.
Mas narinig ko ang mga hikbi mo
sa labas ng kahon
nang hindi ka na makapagsalita,
ngunit wala na 'kong magawa.
Ngayon kita mas nakitang mahalaga
kung kailan wala ka na.
Sa haba ng panahon,
ngayon lang kita nabigyan ng bulaklak
na dapat pala ay noon pa.

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon