Do Not Reject Yourself

12 0 0
                                    

Humakbang ka.
Hindi mo kailangang mag-alinlangan.
Hayaan mong makita ng mundo
ang isa sa mga perlas nito.
Sumayaw ka,
magsulat,
o kung ano mang naisin mo.
Maaaring natatakot ka—
kung gayon,
humakbang ka kasama ng takot.
Huwag mong pigilan ang sarili mo
dahil pakiramdam mo'y
huhusgahan ka ng mundo.
Dahil... paano kung hindi?
Bigyan mo sila ng pagkakataon
na tanggapin ka.
Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo
na mahalin at tanggapin ng iba.

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon