Marami kang tatahakin nang mag-isa.
Hindi palagi ay mayroon kang kasama.
May mga problemang ikaw lang ang makareresolba;
mga pagkakataong wala kang aasahang "sila".Kailangan mong matutunang yakapin ang iyong sarili,
alayan ng panyo ang mga matang walang tigil sa pagluha kahit sandali,
sabayan ng musika ang iyong mga hikbi,
at kumutan ang sariling kalungkutan sa gabi.Kahit pakiramdam mo na ika'y nag-iisa,
Naniniwala akong kaya mo—
basta't magpatuloy ka.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!