Sa unang araw ng taon,
tumingala muli sa langit
gaya ng kahapon.
Pinagmasdan ang buwan,
pati na ang mga bituin
upang maligaw muli
mula roon.Sinimulang alalahanin
ang mga naging pagkatalo...
noong nakaraang taon.
Sampung bagay ng pagkatalo—
ng pagyanig ng mundo.Ngunit sa pagitan ng mga ito,
nariyan ang pagkatuto.
Mas nangingibabaw
ang mga alaala;
ang mga bagay
na kinaya nang mag-isa.Kaya naisip ko,
hindi pa pala 'yon pagkatalo...
dahil nakaya at nanatili sa kabila nito.
Natuto—
hindi sumuko.
Hindi tumakbo sa dulo.Dahil ang pagkatalo
ay mag-uumpisa
sa oras ng pagpapasiya
na tumigil sa pagtingala
at hindi na gustuhing tumayo
mula sa pagkakadapa.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoezjaSharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!