Sarili ang Kalaban (2)

6 0 0
                                    

Madalas nating marinig
na ang pinakamahirap na kalaban
ay ang mismong sarili natin.

Pero bakit nga ba kalaban
ang turing natin dito
kung pwede namang hindi?

Bakit nga ba mas mahirap at mas masakit
ang pagtanggal ng kutsilyo sa dibdib,
kaysa ang pagtarak dito nang mariin?

Ngunit kailangan nating mamili
upang makapagpatuloy muli.
Dahil kararapat-dapat tayong maging kampi
at hindi kalaban ng ating sarili.

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon