Ilang linggo ko nang pinagninilayan. Napakahalaga talaga ng oras, at ang sarap siguro sa pakiramdam bumalik sa mga panahong mabagal pa ang takbo nito. Ang saya sigurong maramdaman muli na hindi mo ito hinahabol; hindi kailangan. Yung mabagal na oras na hindi ka obligadong magmadali dahil pagpikit mo hanggang sa pagdilat muli ng mga mata mo, kasama mo pa rin yung mga taong mahahalaga sa'yo at masaya kayo.
Ang sarap bumalik sa pagkabata. Yung simple lang yung buhay. Hindi kumplikado ang lahat. Sa bawat araw na gigising ka, malamig man o mainit ang umaga, ramdam mo yung hindi pilit na saya. Yung hindi mo kailangang magising dahil sa kailangan, pero nagising ka nang kusang loob at walang paghahabol na baka mahuli ka na. Walang pakiramdam ng panggigipit at higit sa lahat ay malaya ka pa sa kahon ng mga "dapat ganito ka"; malaya ka pang magkamali nang hindi mo kailangang mas isipin kung anong magiging tinggin nila kaysa sa pagkakamaling iyong nagawa.
Sana muling bumagal ang oras at maging masaya ang lahat sa kada segundo ng kanilang bawat araw; maging kakampi muli ang oras at hindi kalaban. Hindi man maibalik ang lahat sa nakaraan, kahit maibalik na lamang ang nakasanayan.
BINABASA MO ANG
Through Words
PuisiSharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!