Kariktan

27 1 1
                                    

Labis akong humahanga sa iyong kariktan.
Hindi lamang sa panlabas, kun'di maging sa panloob mong kaanyuan.
Handa kang lumipad ng walang sandigan,
handang tawirin ang lahat nang may buong katapangan.

Mahirap maglakbay ng mag-isa,
ngunit ito'y iyong binalewala.
Hindi alintana ang sariling pangungulila;
isa kang kahanga-hanga talaga.

Dalawang taon na lang ang hinihintay ko.
Pangako sayo'y makapagtatapos ako.
Hindi mo na kakailanganin pang lumayo,
magkakasama rin tayo tuwing pasko.

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon