Ang hirap kalaban ng sarili.
Isang gabi,
nang humarap ako sa salamin at ngumiti,
ang sama ng titig sa'kin ng isang babae.
Natakot ako—
agad na napakunot ang noo.
Hindi ko kasi mapagtanto
kung ano bang ginawa ko
sa taong nasa harapan ko
para titigan niya ako nang ganito.Maya-maya,
halos mapasigaw ako
nang makitang may hawak siyang kutsilyo,
at mabilis na isinaksak sa dibdib ko
nang walang pag-aalinlangan.
Puro galit lang ang aking namukhaan.Ngunit mas nagulat ako...
nang lumayo ako sa salamin.
Tinitigan ko ang mga kamay ko
na nakahawak sa nakatarak na kutsilyo,
at sa loob ng aking kwarto,
kasabay ng pagdanak ng dugo
ang pagpatak ng mga luha ko.
Dahil sa loob ng aking kwarto,
ako lang pala ang tao.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!