Wala bang makaiimbento—
sa oras ay makapagpahihinto?
Kaya bang mapabilis ang isang kwento;
maaari bang makabalik sa unang yugto?Nakatutuliro;
hindi lubusang mapagtanto.
Oras ba'y dapat maging kontrolado,
gayong iba ang may-akda ng buong libro?Nararapat ba itong huminto,
nang masamsam ang bawat minuto?
Nararapat bang bumilis ang takbo,
nang matakasan ang mga pagkatalo?Nararapat bang bumalik sa pahina ikatlo,
at itama ang mga pagkakamaling bumuo sa pagkatao?
O nararapat lang na hindi hawak ito...
upang maging dahilan ng pagkatuto?
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!