Nariyan na naman ang malakas na ulan—
nais sabayan ang pagpatak ng luha sa unan.
Kalakip ang musikang pinakikinggan,
patungkol sa bugso ng nararamdaman.Noong gabing iyon,
tila nasa ilalim ng balon.
Hindi makayanang umahon,
kaluluwa'y tila paulit-ulit na ibinabaon.Mga salita sa isipan...
nagsilbing alimpuyo na 'di matakasan.
Pilit kumakapit sa katotohanang—
pagsapit ng umaga'y, titila rin ang ulan.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!