Nakangiti, tumatawa, ang alam nila ika'y masaya.
Ayos lang; walang problema—
Sapagkat mas madaling hindi magsalita,
At manatiling ayos ka lang diba?Hindi ka manlang magawang makumusta,
Dahil para sa kanila, malakas ka.
"Kaya mo yan, ikaw pa ba?"
Ang palaging bukambibig nila.Lahat ay iyong ginagawa.
Masaya sila sa mga natatanggap mong biyaya,
Paulit-ulit nilang sinasabi na ipinagmamalaki ka nila.
Pero biglang pumasok sa isip mo, bakit parang nakakapagod na?Ang mga halama'y nagbunga,
Maraming araw ang lumipas na.
Kumusta ka na?
Okay ka pa ba o pagod ka na?Sa pagkakataong ito,
Ako naman ang kukumusta sa'yo.
Nandito lang ako.
Iintindi, makikinig, maaaring maging sandigan mo.Alam kong malakas ka,
Pero alam ko ring nanghihina at napapagod ka.
Ngayon tatanungin kita,
Kumusta ka na?
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!