Mahina—
sa ganito nagsisimula.
Hubad, takot na mga mata,
hindi makalaya;
ganito nagsisimula.
Dito ka magsimula.
Hayaan ang sariling humakbang;
punan ang naiwang puwang.
Ikaw mismo—
unti-unting palakasin ang mahina.
Bihisan ang hubad na mukha
gamit ang ngiting may kumpiyansa.
Bigyang tapang ang mga mata,
at hayaan ang sariling makalaya.
Gawin ang lahat ng kaya;
magsimula kang mahina
hanggang sa masabi mong hindi na.
BINABASA MO ANG
Through Words
PuisiSharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!