Pakiramdam

9 0 0
                                    

Alam ko ang kaba,
ang takot,
ang pagod.
Ramdam ko ang minsang pag-iyak,
ang pagsagi sa isip ng pagsuko,
at pagnais na bumitaw sa mundo.
Alam ko.
Ramdam ko.
Naiintindihan ko.
Dahil hindi kailangang sa mga mata ko
magmula ang pagtulo,
ang pagdaloy ng mga luha
hanggang sa mag-init ang mukha.
Hindi kailangang sa mga mata ko
magmula ang pagluha
upang maramdaman kong
gusto mo na munang kumawala.

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon