Sino ba si Clara?
Mabait yan si Clara lalo na sa pamilya.
Matulungin yan sa kapwa kaya pinagpapala.
Masipag sa lahat ng bagay lalo na sa paggawa.
May diskarte yan sa buhay, ginagawa lahat para sila'y guminhawa.
Si Clara? Yung babaeng wala pakialam sa pamilya?
Hindi manlang magawang tumulong sa iba kaya hindi pinagpapala.
Puro katamaran pinaiiral lalo na sa paggawa.
Wala pang diskarte sa buhay kaya panigurado hindi yun giginhawa.
Nakaririndi ba?
Kaninong pagsasalaysay kaya ang tama?
Yung una na ang paglalarawan sayo'y puro maganda,
O iyong pangalawa na sinabi na ata lahat ng paninira?
Sino nga ba si Clara at anong totoo sa kanya?
Sino nga ba ako at ano ang totoo sa paglalarawang kanilang ginawa?
Ang sagot ko? Wala.
Sapagkat magkakaiba ang mata ng bawat isa.
Maaaring mayroong mga taong magsasabi ng maganda,
Ngunit may mga magsasabi rin ng taliwas sa kung sino ka talaga.
Pero hindi mo naman kailangan makinig sa kahit na anong sabihin nila.
Dahil maski ikaw ay may sariling mga mata.
Mas kilala mo ang iyong sarili kaysa sa kanila.
Mas alam mo kung sino ka at kung ano ang iyong ginagawa.
Mayroon kang sariling istorya at gayon din sila.
Lahat tayo ay masama sa istorya ng isa.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!